CHAPTER TWENTY-SEVEN

94 10 0
                                    

Stacia's POV

"Lilibot kami para tignan kung may kalaban ang paligid. Tapos ay iikot kami dahil kailangan naming ubusin ang mga tauhan niya at Stacia...." lumapit sa akin si Z at hinawakan niya ako sa braso.

"Kung kaya mo pang paabutin ang laban niyo hanggang sa matapos kami ay pupunta ako sa--"

"Huwag....ang sabi ni Balzar ay ako lang, kung gayun ay dapat ay ako lang ang makita niya.."

"Hindi Stacia...alam kong may dala-dala iyung tauhan niya..."

Napatingin ako sa isang bundok na matarik at napapalibutan ng maitim na usok.

Doon daw sasalakay sina Z, maganda daw na maubus ang tauhan nito.

"Tayo na pinuno..." rinig kong sabi ng tauhan ni Z. Agad namang napalingon ako at nakitang naglalakad na ang iba para pumunta doon pero nasa tabi ko parin si Z.

"Z dapat--"

"Hindi ko alam, gusto kitang samahan sa paglaban mo kay--"

Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Z ng hinawakan ko ang pisnge nito at hinalikan sa labi. Mabilis lang iyun at agad na tinignan siya. Gusto kong i-memorize ang mukha niya dahil kung sakali man ay nakakita ako ng isang magandang bagay.

"Kaya ko Z, magtiwala ka sa akin. Ang plano natin ay hindi pwedeng magbago dahil ngayon na. Alam kong magagawa ko ito. Ako pa ba?.."

Nakita ko ang pagngiti ni Z bago hinalikan ako sa labi at humiwalay sa akin. Pinanood ko silang umalis hanggang sa hindi ko na sila makita pa.

Napatingin ako sa lawak ng disyerto ng makakita ako ng isang itim na palapit sa akin. Hanggang sa unti-unting luminaw na.

Si Balzar.....

Parating na siya sa akin.

Napakunot ang noo ko ng makakita ako ng makakita ako ng maitim na bagay sa likod niya na gumagalaw.

Mga tauhan niya.

Akala ko ay siya lang.

Hindi ako gumalaw sa pwesto ko, gusto kong sila ang lumapit. Sana ay maging ligtas sina Z sa paglaban nila doon.

Mahigit sampu ang dala niyang tauhan.

Ilang metro ang pagitan naming dalawa pati ang mga kalaban nito.

"Masyadong tinotoo mo ang usapan natin tagapagligtas ng Zyronia. Hindi ka nag-iisip na maaari akong magdala ng tauhan!!" Tumawa ito ng sobrang lalim. Napatingin ako sa mga taihan niya na hindi lang bastang tauhan niya lang. Ang mga bakal na nakapalibot sa kanila ay hindi masisira ng espada. Napatingin ako sa espada ko na normal na espada lang.

Nabigla ako ng umatake na ang kalaban kaya agad kong sinalag ang mga tira nila gamit ang espada ko.

Bawat daplis ko ng espada ko sa kanila ay kaunting damage lang ang naiiwan sa bakal na suot nila.

Napatingin ako sa bawat kasuotan nila na halos parehas lang. Hinanap ko ang parte na hindi natatakpan ng mga bakal. At iyun ay ang parte na nasa mata.

Hindi ko gusto gawin ang tira na sa mata pero ito ang makakaubos sa kanila. Agad na umatake ang isa at agad ko namang iyung iniwasan ang agad na umatake din ako at ang puntirya niyon ay ang mata. Agad na bumagsak ang isang tauhan niya.

Ganun lang ang ko hanggang sa umatake ang isang tauhan niya na nakaputol sa dulo ng espada ko.

Sabay-sabay silang umatake kaya ginamit ko ang espada ko na pangsalag. Ang bigat ng bawat espada nila. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagdaplis ng isang espada ng kalaban sa legs ko.

See you on the other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon