CHAPTER EIGHT

142 9 0
                                    

Third person's POV

"Umabot na sa akin ang balita na ngayon ay may gaganapin na na paglalaban sa pagitan ninyo ni Dani.." sabi ni Z na talagang may pag-aalala sa pagkasabi nito.

Hindi maipaliwanag ni Stacia ang nararamdaman niya ngayon. Kinakabahan siya na natatakot pero kinakaya niyang labanin ito.

"Z, nandito naman na ito. Hindi ko na pwedeng atrasan pa.."

"Pwede pa!! Oo, alam na ng hari at sumang-ayon siya. Ilang araw ka palang nagsasanay na lumaban. Alam mo ang mangyayari saiyo doon. Kung mapatay ka sa laban ay wala ding pakialam ang iba. Para sa kanila ay titignan lang nila kung gaano ka kalakas."

"Walang pakialam sa akin ang iba?.." sabi ni Stacia at tumingin ito kay Z.

"Ikaw? May pakialam ka ba din sa akin? O katulad mo lang din ang iba?" Tanong ni Stacia na talagang nagpatigil sa kay Z sa pag-aayos niya ng espada.

"May pakialam ako sayo dahil ikaw ang tagapagligtas ng Zyronia. Alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin..." sabi nito at binalik ang atensyon sa pag-aayos.

Sa kaloob-looban ni Z ay hindi rin nito maipaliwanag ang nararamdaman. Siguro ay nag-aalala lang ito na baka mapatay sa paglalaban.

"Naghihintay na ang lahat sa akin, nandoon na sina Drix at Dani. May mga ilan daw na manonood. Ang sabi ay ang mga tao daw dito, pati rin ba ang hari at reyna?..."

"Hindi sila manonood, sapat na sa kanilang ibalita kung sino ang nanalo. At umaasa silang ikaw iyun dahil ikaw ang tagapagligtas ng Zyronia.."

Napatawa naman agad si Stacia at napatingin kay Z at napailing-iling.

"Alam mo ba, sa tuwing sinasabi mo na tagapagligtas ako ng Zyronia ay nai-stress ako.."

Napakunot ang noo ni Z sa sinabi ni Stacia.Pareho ito sa narinig niyang lengwaheng inaawit ni Stacia na nasa kulungan pa ito. Natatandaan pa ni Z ng marinig niya itong umawit, hindi man niya nga maintindihan pero nagandahan ito.

"Iyang espada ba na inaayos mo ay ang gagamitin ko?"

Tanong ni Stacia na ikinatango lang ni Z. Ilang oras nalang ay gaganapin na ang paglalaban nina Stacia at Dani.

Napatingin si Z nang maiayos niya na ang lahat ng gagamitin ni Stacia. Lumapit ito kay Stacia at hinawakan siya sa magkabilaang balikat.

Nakaramdam ng kaunting pagkailang si Stacia pero mas nananaig sa kalooban niya ang ginhawang nararamdaman na hindi niya ring maipaliwanag sa sarili nito.

"Kung hindi mo na kaya, maaari kang sumuko. May dahilan ka naman dahil sinasanay ka parin.."

"Pero masisiraan ako sa ibang tao." Sabi ni Stacia na ikinayuko niya. Napailing agad si Z at ginamit niya ang hintuturo niyang daliri. Nilagay niya ito sa baba ng dalaga at inangat nito ang mukha ni Stacia. Napatingin ito sa mata ni Stacia.

Kahit din naman si Stacia ay sa kaniya lang nakatingin.

"Masisiraan ka nga, pero hindi iyun dahilan na ikatutumba mo. Mananatili kang tagapagligtas ng lugar na ito. Hindi masama minsan sumuko sa isang laban kung alam mong matatalo ka.."

"Iniisip mo bang matatalo ako ni Dani?"

"Magsasabi ako saiyo ng totoo. Oo, maaari ka niyang matalo. Magaling si Dani, dabil minsan ko na siyang tinuruan at maraming beses niya na akong pinahanga sa taglay niyang galing sa paggamit ng espada..."

Agad na humiwalay si Stacia at kinuha ang espadang gagamitin niya.

"Ganun ba, sige. Humanga ka lang sa kaniya.." sabi nito at lumabas na sa pinto.

See you on the other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon