CHAPTER TWENTY-FIVE

103 10 0
                                    

Stacia's POV

Nakarating kami sa tinuturo ko kay Z at sinabi niyang pahingahan daw ni mama. Napatingin ako sa buong bahay. Maganda ang pagkagawa ng bahay. Kung sa mundi namin ay aabutin ito sa mahigit isang linggo pero dito ay madali para sa kanila ang paggawa ng bahay.

Nakasarado ang pinto at hindi mabuksan ni Z, Drix at Dani. Napatingin sa akin si Drix bago niya tinuro ang pinto.

Dahan-dahang akong lumapit bago sinubukang buksan ang pinto. Gagamitan ko na sana ng buong lakas ko pero ng mahawakan ko palang ang pinto ay agad ng bumukas.

"Marahil na ikaw ang tagapagligtas kaya nabuksan. Wala pang nakakabukas ng pintong ito. Napapadaan ang iba dito pero hanggang sa labas lang sila ng bahay. Walang nakakapasok at ngayon ay nabuksan na nga. Nananabik akong makita ang loob.." sabi ni Z kaya ako ang unang pumasok. Malinis ang buong paligid na kahit na alikabok ay walang makikita. Maganda ang buong paligid na parang may naglilinis araw-araw dito.

Napatingin ako sa likod ko ng maramdaman kong may kasama akong pumasok na din.

"Hmmm...karaniwan lang na pahingahan." Sabi ni Dani na nasa gilid ko. Napatingin ako kay Z na nakatingin lang sa buong paligid.

"Dito na tayo mananatili ngayong gabi. Bukas ng maaga ay kailangan na nating umalis para hindi tayo maabutan ng init...."

Tumango nalang ako at napangiti ako ng may makita akong mga bagay na nasa tabi-tabi. May nakita akong simpleng bagay na hindi maintindihan.

Napatingin ako sa mga ibang kawal na nagsitayo ng mga tent nila sa labas ng bahay na ito.

"Doon sila sa labas upang magbantay sa paligid."

Sabi ni Z habang nakatingin sa mga tauhan niya na nagsisitayuan ng mga tent nila.

Napatingin ako sa gilid ng bahay na may nakasabit na mga lampara at kahit sa loob ay meron din.

Paano yun nasisindihan?

May napansin akong parang mga disenyo ng mga lampara na umiilaw na ewan. Lumapit ako doon at nagulat nalang ako ng bigla iyung umilaw. Napatingin ako sa paligid na sunod-sunod na nagkailaw ang mga lampara.

"Magaling ang nagawa mo, hindi na nating kailangan na gumawa ng apoy. Nasindihan mo ang mga lampara.." sabi ni Z na nasa likod ko pala.

Paano?

Wala naman akong dalang lighter na pansindi. Parang tinitigan ko lang ang disenyo ng mga lampara.

Dalawa ang higaan sa loob. Bakit dalawa kung isa lang ni mama?

Baka may kasama itong babaeng tauhan niya.

"Dahil dalawa ang higaan sa loob, mga lalaki ay sa sahig at tayo naman Stacia ang sa higaan.." sabi ni Dani na nakangiti pa.

Napatingin ako kay Z na tumango lang sa sinabi ni Dani pero Drix ay nagrereklamo.

"Hindi! Gusto ko din na humiga sa higaan. Masakit na ang katawan ko para humiga sa matigas na higaan. Gusto ko diyan!" Sabi ni Drix at tinuturo pa ang higaan.

"Hindi pwede!! Diyan ka sa sahig!" Sabi din ni Dani at tinuro pa ang sahig.

"Gusto ko diyan! Hindi purket na babae ka ay dapat diyan na at kaming mga lalaki ay dito. Lahat ay pantay-pantay!!" Sabi ni Drix na ikinataas ng isa kong kilay.

Hmmm....promote gender equality

Nagcrossed arm nalang ako habang pinapanood silang mag-away. Titigil din sila yan kaya hinihintay ko nalang, ang ingay kasi nila.

See you on the other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon