CHAPTER FOURTEEN

121 13 0
                                    

Stacia's POV

Napatingin ako sa paligid at puro bulaklak lang ang nakikita ko simula dito hanggang sa pinakadulo nito.

Lugar din ba ng Zyronia ito. Napatingin ako sa mga bulaklak. Maganda sila at wala akong masabi sa ganda talaga nila.

Pero bakit isa ko lang?

Nasaan ang iba?

Sinubukan kong maglakad-lakad pero puro mga bulaklak lang meron.

Bakit ganuun?

Napunta na naman ba ako sa ibang mundo? Hindi pa tapos ang tungkulin ko doon kaya kailangan kong bulaklak.

Napatingin ako sa pinakadulo pa ng malawak na lugar na ito. Parang may liwanag doon, tao ba iyun o bagay. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong pumunta doon para maalam ko kung paano makaalis sa lugar na ito.

Maganda nga dito pero hindi pwedeng magtagal ako dito.

Napatingin ako sa kamay ko at wala akong singsing.

Kinuha ni Balzar.

Ano pang silbi ko kung wala amg singsing.

Isa nalang ako simpleng tao doon.

Napatingin ako doon sa maliwanag na bagay at wala na iyun. Naglakad-lakad ako para mapunta ang bagay na nandoon lang kanina pero wala na.

Napatingin ako sa likod at ganuun nalang ang gulat ko ng makita ko ang aninong puti.

Siya ba ang maliwanag kanina doon.

Bakit siya nandito?

Akala ko ay hanggang kwarto ko lang siya.

Aninong puti lang siya.

"Sino ka ba? Diwata ka bang nagbabantay sa akin o si.....si mama"

Parang may bumara sa lalamunan ko ng sabihin ko ang salitang 'mama'.

Napatingin ako sa paa nito ng magsimula ng magpakita ang anyo nito.

Makikita ko na siya!

Napakunot ang noo ko ng huminto doon sa parte ng binti ang pagpapakita nito ng anyo.

Bakit?

Bakit hanggang doon lang.

Nagsilandas ang mga luha ko sa pisnge ko. Gusto ko siyang makita kung sino man siya.

Sinubukan kong lumapit sa kaniya pero nang lumapit ako sa kaniya ay parang wala at lumalayo ito.

"Teka!!!!!!"

Pero mabilis itong nawala at iisa ko nalang ulit sa malawak na lugar na ito at maraming bulaklak.

"Kausapin mo ako!!!"

....

"Stacia...." rinig kong bulong na  talagang kinagulat ko dahil hindi ko alam kung saan galing iyun..

Napatingin ako sa paligid-ligid. Wala nang tao maliban sa akin.

Napatingin ako sa mga bulaklak ng bigla nalang silang nagsilanta. Napaatras ako dahil sa gulat. Lahat ng mga bulaklak ay nasilantaan.

Ang langit na mapayapa ay bigla nalang nangitim. Kumikidlat at bigla nalang bumuhos ang napakalakas ng ulan.

Wala akong masilungan kaya napaupo nalang ako. Napatingin ako sa taas dahil may malaking bagay na dumaan doon sa harapan ko.

Napatingin ako doon at si Siw-siw iyun.Agad akong napatayo at nilapitan siya. Nakangiti lang ako dahil nandito siya.

Napatingin ito sa akin at ang ngiting nasa labi ko ay biglang nawala.

See you on the other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon