Stacia's POV
"Siya si Anastasia....."
Napatingin agad ako kay Z at sa litrato. Malinaw ang memorya ko sa mga magulang ko at alam ko kung sino sa akin ang babaeng nasa painting na ito. Agad na napatingin ako sa baba.
"Amm...a-no bang amm kwento sa kaniya. Maliban na siya ang may-ari nitong singsing.."
"Hmm..siya ang reyna noon ng Zyronia. Sa kaniya ang singsing na iyan. Ang kalaban pa niya noon ay ang ama ni Balzar. Naging mapayapa ang Zyronia ng ilang taon. Umalis si Anastasia para magtingin-tingin sa paligid o ano man. Pero ilang araw na siyang hindi nakikita. Dumating ang ilang taon na ang mga magulang ko ang namuno rito at ipinanganak ako. Kasabay ng kapanangakan ko ay lumabas ang libro ng propesiya sa Banal na ilog. At nabasa ng mahikero ang nakasulat doon. Hindi na namin alam kung saan napunta ang dating reyna. Ilang daan na ang lumipas ay naghari sa mundong ito ang kasamaan na siyang pinamumunuan na ni Balzar bilang ganti sa pagkamatay ng ama nito..."
Agad akong napatingin sa kaniya dahil ng pinanganak siya ay lumipas ang ilang daang taon. Sobrang tanda na pala nito...
"Amm...ilang taon ka na ba?"
Napatingin ito sa akin bago sinabi.
"tatlong daang taon na.."
Nagulat ako sa sinabi nito. Parang katabi ko lang ang mga grand-grand 10 times ko.
"Matagal kaming tumanda rito pero patuloy parin ang edad namin..."
Napatingin ako sa singsing ko. Kung napadpad si mama sa mundo ni papa. Pinanganak ako doon, pero sa mundong ito ay ilang daang taon na ang lumipas.
"Ang isang araw ba sa mundo namin ay isang taon dito?"
"Hindi ko masabi..." sabi nito at napatingin sa painting ni Anastasia.
Ang ganda pala ni mama. Kasi ng bata pa ako ay wala naman akong pake sa kagandahan.
"Maganda si Anastasia.." banggit ko habang nakatingin din ito.
"Oo, nagagandahan ako sa kaniya.." agad na napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi nito. Mama ko kaya siya, iuntog kita sa pader ehhh.
"Stacia, bukas ay magsisimula na. Tuturuan kitang lumaban kung wala kang alam sa mga armas rito." Tumango nalang ako. Napatingin ako sa kaniya at agad na napangiti.
"Pwede ko bang bisitahin si Siw-siw.."
"Siw-siw? Ang halimaw na katabi mo sa selda doon sa kulungan.."
"Hindi siya halimaw! Bawiin mo ang sinabi mo, alam mo ba na siya ang nag-alaga sa akin doon. Pinapahalagahan niya ako..."
"Dahil pinagaling mo siya."
"At gusto kong makawalan niyo siya.."
Agad na napatingin ito sa akin at nakasalubong ang kilay nito.
"Yun ang hindi maaari Stacia, isa siyang masamang halimaw. Hindi purket ikaw ang nasa propesiya ay masusunod na lahat ng gusto mo. Ako parin ang nakakataas sayo. Kailangan mo paring sumunod.."
"Kung gayun ay bibisitahin ko nalang sila doon..."
"Kung yan ang gusto mo, yun lang ang masusunod.."
Tumango nalang ako at sumunod sa kaniya.
"Yung sinabi ng hari na alam mo kung ano ang parusa sa mga mangkukulam, ano yun?"
"Susunugin sila ng buhay..." nagulat ako sa sinabi nito. Mabuti nalang at hindi ako mangkukulam sa mundong ito.
Tinuro niya kung saan ang daan papunta doon sa kulungan at alam ko na.
BINABASA MO ANG
See you on the other side
Fantasía[COMPLETED] " Ang mapunta sa mundong kinabibilangan mo ay isa sa pinakamagandang karanasan na naranasan ko. At kahit na maraming paghihirap akong naranasan ay hindi ako magda-dalawang isip na bumalik dito at maulit. Alam kong darating ang panahon na...