CHAPTER THREE

210 12 0
                                    

Stacia's POV

Nakarating kami sa isang lugar na kakaiba. Maroon ang kulay ng pader at mahabang bahay ito. Pumasok kami sa loob at ganun nalang ang gulat ko ng makita ko na isa itong kulungan. Maraming selda doon at maraming nakakulong.

Agad na pumunta ang kawal sa isang seldang walang laman at binuksan iyun.

Napatingin ako sa pinuno na nakatingin naman ito sa akin.

"Pasok.." yun lang ang sabi niya. Napatingin ako sa selda. Hindi naman marumi iyun pero ang mga nakakulong dito ay hindi katulad ko. Mga halimaw ang nandito tapos ipapasok ako dito.

"Nasisiraan na ba kayo ng ulo? Kulungan ito ng mga hayop at halimaw. Tao ako kaya bakit ako nandito?"

"Lahat ng nakakulong dito ay kampon ni Balzar. Alam kong gayun ka din kaya pumasok ka. Sagrado ang kulungang ito kaya wala ring silbi ang kapangyarihan mo.."

"Wala akong kapangyarihan at wala akong alam diyan sa Balzar-Balzar na yan..."

"Matagal na naming hinahanap ang lunggaan niya. At kung sasabihin mo kung saan ang lugar niya ay palalayain kita.."

Napatingin ako sa kaniya at seryoso ito sa sinasabi niyang doon ako galing at kampon ako..

"Hindi ko nga alam!!"

"Kaya nga pumasok ka na diyan..."

"Paano kung magkasakit ako diyan? Mamatay ako diyan? Mga wala kayong pakialam."

"Tama ka..." sabi niya at lumapit ang mukha nito sa akin. Medyo napaatras pa ako sa ginawa niya. Masyadong malapit ang mukha nito sa akin.

"Wala akong pakialam sa mga nakakulong dito. Katulad ka na doon.." hinawakan niya ako sa braso at pwersahang pinasok sa selda.

Agad namang sinara ng kawal ang kulungan ng makapasok ako. Agad akong humawak sa seldang bakal at patuloy na kinausap ang pinuno.

"Ilabas niyo ako dito!!"

Napatingin siya sa akin at kita ko ang gulat sa mata nito.

"Hindi ka napaso, ang bakal na seldang ito ay sagrado kagaya ng buong lugar na ito. Dapat ay napapaso ka o nasasaktan kapag napapadikit ka sa bakal na yan.."

"Hindi nga kasi ako masama!!..oh! Oh!!"

Pinagdikit ko pa ang pisnge ko sa bakal.

"Hindi parin kita ilalabas diyan, kailangan ka munang litisin ng hari at reyna. Bukas o sa susunod pang mga araw ay ihaharap ka sa hari at reyna kaya humanda ka.." sabi nito at bigla nalang tumalikod. Sumunod naman ang mga kawal sa kaniya.

Nang mawala na sila sa paningin ko ay napatingin ako sa paligid. Ang mga halimaw ay nasa gitna lang ng selda nila. Siguro ay totoo ngang nakakapaso ang bakal na ito. Pero ako ay nakahawak pa sa bakal.

Napatingin ako sa sahig na puro namang dayami. Parang kulungan ito ng mga kambing at baka pero malinis ito. Hindi nga lang sa ibang selda na doon na rin yata dumudumi.

Agad akong napahawak sa ilong ko ng maamoy ko ang masang-sang na amoy na iyun. Napatingin ako sa malapit lang sa akin.

Napalaki ang mata ko dahil totoo pala sila. Akala ko ay kwento-kwento lang.

Isa siyang minotaur yata na hindi din.

Mahina itong dumadaing. Mukhang ang iba ay natutulog lang pero siya ay mahinang dumadaing.

Napatingin ako sa braso nito at napahawak ako sa bibig ko ng makita ko kung ano yun.

May malaki itong hiwa mula sa balikat hanggang braso. Ito siguro ang naaamoy kong masang-sang. Medyo dunadaing ito. Kung sa mundo ko ay sasabihin na na-infection na iyun.

See you on the other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon