Stacia's POV
"Kapag aatake ang kalaban ay dapat alerto ka din dahin minsan ang gagawin nilang tira ay hindi. Kumg maaari ay isipin mo ang ibang pwede din nilang atake.." tumango nalang ako sa sinabi ni Z.
Isang araw ang lumipas bago kami makaalis sa paraiso ng mga bulaklak dahil sa sobrang lawak din ng lugar.
Ngayon ay nasa disyerto na kami at gabi na, bukas na ang araw na iyun. Kunting pagsasanay lang ang gagawin ko at ng iba din dahil baka mawalan kami ng lakas sa pakikipaglaban bukas.
Sa totoo lang ay kanina pa akong kinakabahan at natatakot. Ngayon na nasa disyerto kami ay doon lumala.
Napatingin ako sa iba at sa mga tauhan ni Z na parang wala lang. Na parang hindi sila mamamatay sa laban.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako doon at alam ko namang si Z iyun.
"Alam ko ang nararamdaman mo ngayon, nakakatakot pero kailangan nating kalabanin din ang takot. Nakakakaba pero kailangan din nating tanggalin iyun. Matatalo tayo kapag napupuno tayo ng takot at kaba. Isipin mo ang mga taong umaasa sa atin. Para sa kanila ang laban na ito kaya mananalo tayo..."
Sabi ni Z kaya tumango lang ako. Sinusubukan ko naman ehh. Pero talagang hindi ko maiwasan.
Ngayon na nandito na kami sa disyerto ay iniisip ko ang mga kasamahan ko na maaaring mamatay. Si Z na maaari ding mamatay. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung mamatay man ang isa sa mga kasamahan ko rito. Kung maaari lang ay ako nalang mag-isa ang pupunta pero nandito sila.
Iniisip ko din ang kaligtasan ng iba.
"Stacia....mahal ko..." Napayuko ako at palihim akong napangiti. Siraulo din ang isang ito. Ang dami-dami kong iniisip tapos magpapakilig.
Lumingon ako sa kaniya at nakita ko ang pagngiti nito.
"Bakit?"
"Hindi man tayo magtagumpay ay hahanapin kita sa lugar ng langit..." sabi nito. Napangiti ako sa sinabi nito.
"Then see you on the other side..." sabi ko at nakita ko ang pagkunot ng noo nito dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ko.
"Stacia, handa na ang pagkain doon.." sabi ni Drix na malapit sa amin at tinuturo ang pagkain. Tumango nalang ako at hiniwakan ang kamay ni Z para pumunta doon.
Habang kumakain ay napatingin ako kina Dani, Drix at sa mga tauhan ni Z.
"Ayaw ko mang sabihin ito ay gusto ko laring makasabay kayo sa susunod pang hapunan..." sabi ni Z kaya napatingin ako sa kaniya. Napangiti ako sa sinabi nito.
Parang last supper lang nangyayari sa amin dahil bukas ang araw kung saan ay kakalabanin ko si Balzar pero nakakaramdam din ako ng mali sa nangyayari.
"Syempre....hindi pa ito ang huling hapunan nating lahat!" Masayang sabi ni Drix kaya sumandal si Dani sa braso nito.
Nang matapos ang hapunan ay nag-uusap parin ang iba. Pinapakinggan ko lang sila dahil wala din naman ako kaalam-alam sa nangyayari.
"Nakakatawa din iyun at kahit ngayon ay natatawa parin ako..." sabi ni Z at nakangiti ito.
"Yung nagsasanay si Drix sa tubig ay nalunod niya lang ang sarili niya..." sabi ni Dani at napatawa ako ng kunti at si Z naman ay nakangiti lang habang si Drix ay nakasimangot na nakatingin kay Dani.
"Ikaw Prinsipe, natatandaan ko yung mga araw na nagsasanay tayo. Yung nahawi ng espada ko ang damit sa pambaba. Nakita ang--"
"Manahimik ka Drix kung ayaw mong mawalan ng dila ngayon..."
BINABASA MO ANG
See you on the other side
Fantasy[COMPLETED] " Ang mapunta sa mundong kinabibilangan mo ay isa sa pinakamagandang karanasan na naranasan ko. At kahit na maraming paghihirap akong naranasan ay hindi ako magda-dalawang isip na bumalik dito at maulit. Alam kong darating ang panahon na...