CHAPTER TWENTY-TWO

107 11 0
                                    

Stacia's POV

Napabangon ako ng may humawak sa balikat ko at niyuyugyog ako.

Napatingin ako sa taong nanggising sa akin at hindi Z iyun, kundi si Drix. Napatingin ako sa paligid na lahat ng mga kawal ay gising na at ako nalang  yata ang natitirang tulog.

"Magpapatuloy na tayo Stacia, halika na." Sabi ni Drix at humawak ako sa kamay niya bago inalalayan akong tumayo. Napuyat yata ako kaya late na akong nagising.

Hinanap ng mata ko si Z at nag-aayos ito ng espada. Hindi man lang ako tinignan o kahit napadaanan lang ng tingin.

Sa mundong kinabibilangan ko ay nag-uusap ang mga magkasintahan at nagpapaliwanagan sa nangyari at bati na sila pero dito ay hindi yata uso ang ganuun. At sa totoo lang ay ayaw ko ng ganun, kung ganito ba naman ay wala na paano pa kaya sa seryosong away o problema.

Sandali, maghihiwalay din naman kami sa dulo kaya mas maganda ng ganito.

Nagsimula na ang paglalakbay, ang susunod daw ay ang paraiso ng mga bulaklak. Napangiti ako ng sinabi sa akin kung paano iyun nagsimula.

At least ay gumanda ang paligid ng nakahulog si mama ng buto doon.

Pansin ko na sa dulo ng mg burol ng mga higante ay may ilog ba yun?

Tama!! ilog nga!!

Tatawid pa pala kami ng ilog para makarating sa paraiso ng mga bulaklak.

"Stacia, hindi yata kayo nagpapansinan ng Prinsipe?" Tanong sa akin ni Drix kaya napalingon ako sa kanya.

"Sa totoo lang ay mas maganda na ito."

"Mas maganda? Anong pinagsasabi mo Stacia?"

"Maghihiwalay din kami sa dulo, babalik ako sa mundong kinabibilangan at maiiwan siya sa mundong ito. Malulungkot lang kami kaya kung ganito ay mabuti na..."

"Ang gulo niyo Stacia, hindi ba dapat sulitin niyo ang oras na magkasama. Kasunod ng paraiso ng mga bulaklak ang disyerto. Ilang araw nalang at maghihiwalay na kayo. Kung ako saiyo ay makikipagbati ako..."

"Dapat siya dahil siya ang lalaki, ganuun sa amin..."

"Kung gayun ay hindu sa amin..."

Napatingin ako sa kaniya at nakatingin lang ito sa akin. Napadako ang tingin ko kay Dani na masama ang tingin sa akin kaya tumingin nalang ako kay Drix at tumango bago medyo lumayo.

Lahat nalang yata ng galaw ko dito ay minamalas ako.

Napatingin ako sa ilog nila. Sa totoo lang ay hindi ako marunong lumangoy, ang kaya ko lang languyin ay ang abot ng paa ko. Kung lagpas sa akin ito ay hindi ko kaya.

Napatingin ako kay Drix.

"Gagawa ka ba ng daan sa tubig? Amm hindi kasi ako marunong lumangoy..."

"Pasensiya na Stacia, halos ginamit ko ang lakas ko ng kumanta ka. Kailangan kong ipahinga ang sarili ko para sa paglaban kay Balzar, aalalayan ka naman ng Prinsipe, sigurado yun..."

"Ganun ba..." Napatingin ako sa ilog at sa kawal na nagsisitawid na sa ilog.  Napatingin ako kay Z na tumawid na din. Hindi niya ba ako aalalayin. Napakunot ang noo ko ng hawakan niya ang kamay ni Dani na para bang inalalayan niya ito. Pagkatapos at nagsilangoy na sila dahil lagpas tao ang ilog.

Mali ka Drix, iba ang inalalayan nito.

Napatingin ako kay Drix na magsimula na ding tumawid kaya sumunod ako sa kaniya.

See you on the other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon