CHAPTER TEN

156 11 0
                                    

Stacia's POV

Gusto kong masaktuhan ang paglabas ng aninong puti na iyun. Gusto ko ulit siyang makita. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko lang talagang makita siya kahit puti lang ito.

Baka kasi kalaban siya o isang diwatang nag-iispiya sa akin. Gustong kong malaman kung ano siya at sana ngayong gabi ay masabi niya.

Palubog na ang araw kaya agad na akong pinasundo sa hapag kainan nila dito. Hindi namin kasama ang haribat reyna. Ang kasama ko lang kumain ay sina Drix at alam kong wala doon si Dani kasi ayaw niya akong kasabay. Kasabay niya lagi ang ama niya siguro.

Si Z ay minsan ko lang siya nakasabay pero ngayon ay wala siya rito.

Puro prutas at ilang mga lutong karne ang pagkain dito.

Habang kumakain ay kinakausap ako ni Drix.

"Marami talagang mga diwata rito, pero kung yang sinasabi mo ay sa tingin ko ay mahalaga yan. Kung ikaw lang ang ginagambala ay may mahalaga iyang sinasabi sayo. Dapat mong unawain ng husto ang pinapakita sa iyo ng aninong puting iyan. Baka makatulong iyan sayo sa paglaban kay Balzar.."

"Sana nga ganun iyun, pero may nararamdaman pa ako sa tuwing nakikita ko ang puting aninong yun..."

"Ano naman?" Tanong ni Drix bago kumagat sa mansanas.

"Parang pangungulila, ewan. Yun kasi ang nararamdaman ko."

"Hmmm, baka malapit sayo ang bagay na iyan pero hindi mo lang malaman.."

"Wala naman akong malapit na diwata at kung anino man ay baka anino ko lang..."

Tumango-tango lang si Drix habang kumakain. Napatingin ako sa pagkain ko bago sa paligid. Kailangan ko talagang alamin kung sino ito.

.....

...

Hindi ako natulog para makita siya. Naghihintay ako ng maghating gabi na. Napatingin ako sa pinto ng bigla akong may nakita kunting liwanag bago may tumagos na anino sa pinto at patuloy parin sa paglakad.

Nang nasa harapan na siya ng balkonahe ay agad akong tumayo at lumapit sa kaniya.

Ginagawa niya na naman ang kumpas. Habang ginagawa niya iyun ay hinawakan ko ang parte sa anino kung saan ang kamay nito.

May naramdaman akong bagay sa kamay niya. Isang singsing at magaspang iyun. Napatingin ako sa mukha niya.

Nang matapos ang kumpas na ginagawa niya ay nakatayo na lang siya. Mula sa paa niya ay naglalaho na siya.

"Sino ka?!, bakit ka nagpapakita sa akin?!"

Patuloy parin ang paglaho hanggang sa nasa balikat nalang niya.

Nakatingin lang ako sa ulo niya.

Bago siya mawala ay nagbigay ito ng salitang nagpagulat sa akin.

....

...

"Stacia...."

Nawala na ito sa harapan ko. Medyo napahakbang ako paatras at kita paron ang gulat sa mukha ko.

Bulong lang halos ang ginawa niya. At kilala ako nito.

Akala ko ay talagang ganun lang iyun o multo lang na laging nandoon at namatay sa balkonahe pero ako ang sadya nito. Ang mga kumpas na iyun ay mukhang importante.

....

...

Napatingin ako sa paligid at hindi pamilyar sa akin ang lugar. Puro buhangin. Malawak na disyerto. At ang ulap ay kulay pula.

See you on the other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon