CHAPTER TWENTY-EIGHT

108 11 0
                                    

Stacia's POV

"Si Balzar at ang mahikero ng Zyronia ay iisa..." banggit ko sa kanila na nagdulot ng gulat sa kanilang lahat.

"Stacia....paano, matagal na ang mahikero ng Zyronia noong nandito pa ang dating reyna.."

"Lagi kong napapaginipan at ang lugar kung saan ang paraiso ng mga bulaklak ay nandoon siya. Napapaginipan ko si ma--Anastasia, at may kasama siyang mahikero. Nagbibigay ng motibo ang galaw niya at natatandaan ko pa nung kasama ko si Z na humingi kami ng ilang magagamit na panlaban. Napansin ko na kakaiba ang bawat galaw niya. Parang iniiwasan niya kami.." sabi ko habang nakatingin sa lahat.

"Kung tama ka ay kailangan na nating bumalik sa palasyo pero aabutin na naman tayo ng ilang araw..." sabi ni Drix. Napatingin ako sa lahat ng tauhan, hindi ko alam kung gagana. Bigla nalang pumasok sa isip ko na kaya kong magteleport sa lugar doon. Ewan ba parang kaya ko lang.

"Wala ba kayo dito sa mundo niyo na masasakyan..."

"Maunlad ang mundo niyo hindi tulad dito at ang tinatanong mo ay wala kami..." napakagat ako sa ibabang labi at tinignan ang pinanggalingan namin. Hindi na pwedeng bumalik kami sa pinagdaanan namin dahil aabutan na kami ng ilang araw.

Ng mamatay ang pekeng Balzar ay siguro alam na iyun ni Balzar. Kaya gagawa na siya ng plano niya doon at uutuin ang buong Zyronia.

Hindi pwede!

Maraming mapapahamak.

"Maaari bang hawakan niyo akong lahat sa balikat?" Sabi ko sa kanilang lahat. Napakunot ang noo ni Z sa sinabi ko.

"Bakit ka nilang hahawakan?" Medyo naiinis na sabi ni Z sa akin.

"Susubukan ko lang kung kaya ko, basta! Gawin niyo nalang!" Sabi ko sa kanila, ang dami pa kasi nilang itatanong kung bakit.

Lahat na sila ay humawak sa balikat ko at ang huli ay si Z na sa bandang batok na.

"Pumikit ang lahat at huwag kayong didilat hanggang hindu ko sinasabi..." sabi ko sa kanila kaya pumikit na sila.

Pumikit ako at nagfocus, nararamdaman kong humahangin. Sa disyerto parin kami pero ramdam kong nasa puno kami.

Dahan-dahang dinilat ko ang mata ko at medyo nagulat at namangha ako na wala na kami sa disyerto. Pero nasaan kami?

"Maaari na kayong dumilat.." sabi ko at ginawa namin nila. Tumingin silang lahat sa paligid at kahit na ang mga tauhan ni Z ay nakatingin sa mga paligid.

"Hindi ko alam kung nasaan na tayo basta ang alam ko ay wala na tayo sa disyerto ..." banggit ko sa kanila at tumingin sa akin si Dani at nakangiti ito.

Ala? Bakit?

"Nandito tayo sa gubat ng mga diwata, malapit na ito sa Zyronia!" Sabi niya kaya agad na napatingin ako sa paligid. Tama nga dahil ang puno dito ay madilim. Mabuti nalang at dito ko nagawang ipunta at hindu sa gubat ng mga mangkukulam. Sinusumpa ko ang lugar na iyun...

"Paano mo iyun nagawa? Nakakamangha! Akala ko ba ay wala kang kapangyarihan dahil wala saiyo ang singsing..." sabi ni Dani at napatingin sa akin.

"Hindi ko rin alam, marahil ay may naiwang kapangyarihan ang singsing bago iyun nakuha sa akin.."

"May singsing man o wala ay nakakamangha ang iyung pinaggagawa..." sabi ni Dani at hindi ko na maiwasang mapangiti sa papuring sinabi nito.

"Malapit na ito sa Zyronia, nasa pinakaharap ng gubat tayo nakapwesto kaya hindi na tayo masyadong malayo, ilang sandaling lakad lang ay makakaalis na tayo. Tama na ang pagtingin sa paligid dahil nasa gubat tayo ng mga diwata.." sabi ni Z kaya tumango ang lahat kahit din ako.

See you on the other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon