CHAPTER SEVEN

171 10 0
                                    

Stacia's POV

"Stacia, kailangan mong gawin ang mga bawat gagawin ko, maaari kang masugatan kung hindi mo masusunod." Sabi ni Z kaya tumango lang ako at nagfocus sa kaniya.

Ikatlong araw na ito sa pagtuturo niya sa akin sa paglaban kaya kailangan ko dapat matuto, kahit kunting improvement man lang.

Tinuruan niya na ako sa pag-atake. Ngayon naman ay ang pag-iwas sa bawat atake niya.

Mabagal lang ang bawat kilos niya para masunod ko. Para lang sa arnis pero patalim ito at may mga ibang pag-iwas na talagang mahirap. At kailangan mong mag-ingat dahil kapag umatake sa kalaban. Isang atake lang nila na hindi mo naiwasan ay mamamatay ka na.

Kung mamamatay ba ako dito ay patay na rin ba ako sa mundo ko?

Hindi ko alam kaya kailangan kong matuto.

Ilang oras din kaming nagtraining hanggang sa dumating na sa oras na maglalaban kami, sparring kumbaga.

Ilang beses na akong natatalo sa kaniya. Naiinis ako kapag natatalo ako.

Umatake ulit ako pero naihampas niya lang ang espada ko gamit ang espada niya kaya nabitawan ko ang espada ko. Nakaturo na ngayon sa akin ang espada niya.

Napayuko ako at napakagat sa ibabang labi.

Lagi nalang ako natatalo. Pang-anim na beses na yata ito.

Agad kong kinuha ang espada ko at bumalik sa pwesto ko.

"Subukan mong basahin ang kilos ng kalaban Stacia..."

Nakahawak ako ng madiin sa hawakan ng espada. Binabasa ko ang bawat kilos.

Nang makita kong tinaas niya ang espada niya ay hindi ko pinangharang ang espada ko sa taas ko rin dahil alam kong paggulo lang ang ginawa niya. Sa gilid niya ako titirahin.

Pinagprotekta ko ang espada sa gilid ko at nang doon na nga tumama ay agad kong binuhos ang lakas ko sa pagtama ng espada. Nakita kong napahakbang si Z paatras kaya napangiti ako.

Umikot ko at tinira ang espada mula pataas hanggang pababa na agad naman niyang iniwasan. Ginamit ko ang paa ko para mapatid siya kaya napatumba siya. Agad kong tinuro ang espada sa mukha niya at napangiti ako doon.

Nakita kong napangiti din siya pero hindi ko rin inasahan na gagamitin niya rin ang paa niya para ipatid ako. Mabuti nalang at nabitawan ko ang espada dahil baka doon ako bumagsak.

Nang natumba ako sa lupa ay agad naman siyang pumunta sa ibabaw at hinawakan ang kamay ko at dinala iyun sa gilid ng ulo ko.

"Hindi ko aasahan na gagamitin mo ang katawan mo sa paglaban, wala iyun sa usaoan natin dahil espada lang ang gagamitin bilang panlaban.."

"Sa tingin mo kapag nasa totoong laban na ako ay yun parin ang iisipin ko.."

Nakita kong napangiti ito at tumayo na. Napaupo naman ako. Napatingin ako sa kaniya na nakalahad ang isang kamay niya.

Napangiti ako doon at inabot ang kamay niya.

Nang makatayo na ako ay pinagpag ko damit ko.

"Natututo ka na, sa susunod ay totoong laban na pero sa kawal ko muna bago ulit sa akin. Baka din kay Drix kita ipalaban.."

"Lahat naman ng mga kawal ko ay magagaling. Kaya humanda ka na.." panakot niya sa akin pero tumawa lang ako.

Inayos na namin ang mga pinaggamitan naming espada at bumalik sa lagayan niyon.

"Bagay sayo ang lugay na buhok kaysa sa nakatali ito, pero kapag nasa laban na ay kailangan mong itali ang buhok mo baka maputol iyan. Sayang naman.."

See you on the other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon