CHAPTER FOURTEEN

66 3 0
                                    


Pagkababa palang ng sasakyan ay dinaanan na ako ni kuya at sinabing magusap daw kami sa loob kaya pumasok nako at naabutan sina mama na nakaupo din sa sala.

"Mom, sorry I'm late" tango lang ang sinagot nito sa akin mukhang kailangan ko talagang umupo dahil baka magalit sa akin sina mommy

"Where have you been?"

"School and mall" I said

"Liar! Where have you been?" tanong pa ulit ni kuya sa akin

"School and mall nga, kuya. Nakita mo naman ako kanina na lumabas sa mall diba?"

"Yes, kasama ang mga bata na inihatid mo sa napaka delikadong lugar. Hindi ka pumasok ng school, hindi ka nag attend ng mga class mo today sabi ni Gino"

Gino

"Hindi moba alam ang oras? Lagi ko nalang ba kaming pagaalalahanin? Tawag kami ng tawag pero hindi ka sumasagot. Tinatawagan kadin ng mga kaibigan mo pero wala kadin sinagot ni isa Sakanila. Ano ba talagang problema mo?" Patuloy pa niya

"Yeah, tinamad kasi ako bigla kaya sinundo ko nalang ang mga bata at gumala nalamang kami" I asked kuya sarcastically. " For your information, mula ngayong araw wala na akong kaibigan dahil ni minsan ay hindi sila naging tunay na kaibigan sa akin at alam akong alam modin yon!" Dagdag ko

"What are talking about Yumi? "

"You know I hate liars right? That's why from this day onwards wala na akong kaibigan. Baka nga pati kuya wala nadin e" nagulat siya pero nakabawi din naman agad sa sinabi ko

"Anong delikadong lugar ang tinutukoy ng kuya mo, Yumi?" pag-iiba ng usapan ni daddy

"Squatters area, dad. "

"Bakit ka nagpupunta sa ganoong lugar? Lalo na't babae kapa naman"

"Safe naman po doon daddy hindi nga po ako napano e, napaka bait pa po ng mga tao doon." depensa ko

"Yes, mabait sila kase binibigyan mo sila ng pera at binibilhan ng kung ano ano. Itigil monayang ginagawa mo Yumi, aabusuhin kalang ng mga yan"

"Shut up! You don't have the right to say those words to them. Wala silang ginagawa sayo kaya wag mo silang husgahan base sa nakikita mo! You don't know them." sagot sakanya sa sobrang inis ko sakanya

"Tumigil na kayo. Tumigil kana Yamuel, tama ang kapatid mo wala kang karapatang husgahan sila dahil hindi ko sila lubos na kilala"

"But dad, I'm just protecting her for being abuse" depensa pa ni kuya

"Panhik napo ako, I'm tired" talikod ko sakanila. Hindi paman ako nakakalayo nagsalita na naman si kuya

"Where do you think your going? Hindi pa tayo tapos magusap bumalik ka dito Yumi!" hindi ko nalang pinansin dahil pagod ako at gusto ko nalang magpahinga

Akala ko magkakabati na kami ni kuya ngayon pero mukhang malabo naangyari pa yon dahil sa nangyari ngayon. Im tired and I just want to rest for now.

--

Nagising ako sa katok na nagmula sa labas kaya bumangon na ako upang makapaghanda sa pagpasok at hindi na inintindi kung sino man ang kumakatok.

Mabilis lang akong natapos at bumaba na para sumabay sakanilang mag agahan pero mukhang may mga bisita sila dahil sa ingay na naririnig ko mula sa kusina.

Nagdire diretso lang ako sa bakanteng upuan na katabi ng inuupuan ni Gino. Yes, John, Gino and Ching is here. Tsk.

"You have visitors pala mom,"

"Yes, binibisita ka nila and wala din daw kayong pasok ngayon kaya May pupuntahan kayong apat kasama kuya mo"

"Owww, wala naman po akong sakit kaya hindi nila ako kailangan bisitahin at wala po pasok? Bakit naman po mommy?"

"There's a meeting about the renovation of school kaya nag suspend ng class kasi wala ding teacher na mag-aattend" hindi ko pinansin si Gino at nagsalita nalang ulit

" Bakit po walang pasok mommy?" ulit kopa tinignan nalang ako ni mommy at inilingan

"Meeting daw, Princess" si kuya

" Stop calling me Princess. I'm not your Princess, and your not my mom" alam kong nagtitimpi nalang si kuya sa inaasal ko pero wala akong pakialam sa kanila ngayon

"Stop talking. Start eating" utos ni daddy na sinunod naman namin kaagad

Patuloy lang sa pagkain ang lahat at kalansing lang ng mga kutsa at tinidor ang naririnig sa pagitan naming lahat.

Wala si yaya kaya wala akong makausap kaya kumain nalang din ako ng mabilis para makabalik na sa kwarto tutal wala din naman pasok kaya wala nakong dahilan para mag stay dito sa baba.

Tapos na ako at balak ng tumayo ng magsalita ulit si kuya kaya napahinto ako.

"We're going on a vacation with them Princess, for three days. It's Friday today we're going home at Sunday evening. Nakaayos nadin ang mga gamit na dadalhin mo. Magpalit ka nalang ngayon ng kumportableng damit , change your uniform."

"I'm not going. I'm not feeling well. Enjoy your vacation with them just leave me alone here, sanay naman na ako" sabi ko at umalis na sa hapag para matulog ulit

Ilang oras lang ng bumalik ako sa kwarto ko ng may kumatok sa labas kaya pinagbuksan ko ito.

"Yumi, magmiryenda ka muna" si yaya na may dalang juice at cookies

"Sige po. Paiwan nalang po kakainin ko nalang po pag ginutom ako" sagot ko

"Sige, anak pero ang juice inumin mona habang malamig pa dahil hindi na masarap yan pag hindi na malamig" nginitian ko si yaya bilang tugon

Sinunod ko ang sinabi ni yaya at kinain nadin ang cookies habang nag scroll lang ako sa social media accounts ko.

Tatayo na sana ako para pumuntang CR ng maramdaman ko ang pag-ikot ng paligid ko, nahihilo ako bigla hanggang sa naramdaman ko na sinalo nalang ako ng malambot na kama.

-

HIDDEN DESIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon