Bumalik kami sa school para kunin ang sasakyan ko para narin makapunta kami agad kina Jose. Noong una nahirapan pa akong makalabas dahil oras pa daw ng klase at walang permiso na nagbigay saakin para makalabas.Nagiisip ako ng nakita ko si Geline na naka handusay sa lupa at mukhang namimilipit sa sakit kaya nilapitan ko siya para tanungin kung anong nangyari. Pero natawa nalang ako ng buhatin ko siya at binulungan akong
"Ate danda, wag po kayong maingay joke lan po iyon. Sabi po kase si Allen umarte ako para palabasin tayo ni kuyang guard." bata nga naman
Mukhang effective ang naisipan ng dalawang to kase nakalabas ng kami ng sinabi kong dadalhin ko sa ospital ang bata na to. Si kuya guard ayon natataranta, kung alam niya lang na nagdadrama lang sila pare-pareho kaming lagot.
Medyo nawala sa isip ko ang mga nangyari at narinig ko kanina dahil sa dalawang bata na ito.
Pagkasakay at pagkasakay palang nilang dalawa sa sasakyan napansin kong may kinakalikot sila sa parehong gilid nila at nakita kong pilit nilang hinihila yung seat belt. nakakatuwang tignan ang mga bata na ito napaka inosente pa sa lahat ng bagay.
"Ate, paano po ito?" kuryoso na tanong ni Allen sa akin kaya itinigil ko muna ang sasakyan sa may tabi para makabitan sila ng seatbelt pareho.
Pagkatigil ng sasakyan agad akong bumaba at nagtaka sila pero noong makita nila akong binuksan ko ang pinto sa kanilang kinalulugaran akala nila ay baba na pero pumasok ako at kinabitan lamang sila ng seat belt.
"Ganito yan Allen" Turo kopa dito habang kinakabit ang seat belt nila
"Galing naman po" si Geline na namamanghang sa nakikita
Itinuro nila ang daan papunta sa bahay ni Jose, and I didn't expect na dito siya nakatira. Masukal, magulo, dikit dikit ang mga bahay at mabaho. Naaawa ako sa kalagayan nila ngunit wala akong karapatan para kaawaan sila dahil alam kong mali ang kaawaan ang isang tao batay sa estado ng kanilang pamumuhay.
Life is so unfair.
"Ate, dito nalang po sa kanto. Kami nalang po ni Geline ang baba baka po kase mapag-tripan ang sasakyan niyo kapag bumaba pa kayo" tinanguan ko nalamang sila at sinabihang mag-ingat.
Naghintay pako ng ilang minuto sa tatlo pero ng matanaw ko sila ay mukhang hindi nila kasama si Jose at ang kanilang mukha ay malungkot.
"Ate, si Jose, po hindi pinayagan kase po akala nila maglalaro lang kami. Sinabi po namin kasama kayo pero ayaw po maniwala" malungkot na sabi ni Geline
"Ganon ba? Saan ba ang bahay niya at ako nalang ang magpapaalam. Hintayin at bantayan niyo nalamang ang sasakyan ko para pag pinagtripan bawalan niyo ok ba tayo doon?"
Tinanguan nila ako sa aking turan. Itinuro nila ang bahay nila Jose, May makipot na daan papunta doon at May puntong kulay yellow daw kaya hindi naman daw ako maliligaw.
"Tao po" katok ko sa may bahay na may puntong kulay dilaw
"Sino po sila?" May lumabas na batang babae siguro nasa edad na 14 or 15 base sa laki nito
"Hello" magana kong bati " nandyan ba si Jose?" tanong ko sa kanya na mukhang nagulat
"Nakupo, bakit niyo po hinahanap ang kapatid ko? May ginawa na naman po ba siya? Ma'am maawa po kayo mabait po si Jose hindi niya po magagawa iyon" ano ang alin? Napa isip nalang ako sa sinasabi ng babae na mukhang mahal na mahal niya kapatid niya
"Halaaa ganda, teka lang. Walang ginawa si Jose, mabait ang bata na iyon nandito lang ako para isama sana siya kasama sina Geline at Allen yung mga bata na kaibigan niya" mukhang nahimasmasan naman siya sa sinabi ko
BINABASA MO ANG
HIDDEN DESIRE (COMPLETED)
Romance#1- Clandestine Series Synopsis: Ang pag-ibig ay hindi isang laro na kapag gusto mong manalo ay mananalo kana agad sa isang subok. Minsan ay kailangan molang maghintay nang tamang pagkakaton para masabi mong mananalo kana sa pagkakataong ito. Si Yu...