THIRTY SEVEN

51 1 0
                                    


Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha, pagmulat ng aking mga mata ay pinagmasdan ko ang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko. Napangiti ako ng maalala ko ang nangyari kagabi alam kong hindi parin ako talo, mayroon pang katiting na pagmamahal sa akin si Gino.

Tinanggal ko ang kamay niyang nakapatong sa akin ng maisipan kong ipagluto siya ng almusal para pambawi sa nagawa kong kasalanan sakanya, alam kong hindi sapat pero gusto ko paring subukan.

Tahimik sa buong bahay ng makababa ako pati mga kasambahay ay wala akong makita ni isa, ang anak ko mukhang tulog pa dahil hindi ko pa din naririnig.

Didiretso na sana ako ng kusina ng marinig ko ang pagtunog ng telepono sa may sala kaya naisipan kong bumalik para sagutin ito.

"Hello" sagot ko

"Oh, hi! Is this Gino's maid?" tanong ng sa kabilang linya

"I'm not. I'm his wife" sagot ko

"His wife? You've got be kidding me" naging mataray na ang tono niya nang sabihin kong wife ako ni Gino

"I told you. I'm his wife. Who are you?"

"Avighat. Avighat Colins, Gino's fiancé, and don't forget to inform my fiancé to send me message after this." his fiancé?

"Oh by the way girl, wake up huwag mong pangarapin ang fiancé ko, got it?" pahabol niya pa ng ibaba ko na sana ang telepono.

Hindi ko nalang inisip ang sinabi ng babae magluluto nalang ako.

Habang nagluluto ako ng almusal ay bigla nalang sumulpot sa isip ko ang napag-usapan namin. Bakit? Bakit hindi ko alam na May fiancé siya? Akala ko ba wala na sila?

Boogsshhh!

Nagulat ako ng biglang may bumagsak mula sa taas, kaya pinatay ko muna ang kalan at dali daling pinuntahan kung saan nanggaling ang pagkalabog.

Nang paakyat na sana ako ay naramdaman ko ang mabibigat na hininga at higpit ng yakap mula sa aking likuran.

"Gino, teka lang hindi ako makahinga" pilit kong kinakalas ang pagkakayakap niya sa akin ngunit parang mas lalong humihigpit ito.

"Ano ba? Are you ok?" tanong ko ulit pero imbes na pagtugon niya ang marinig ko ay mga impit na hikbi ang narinig ko mula sakanya.

"Why are crying? Will you please face me, let's talk" pakiusap kopa sakanya

"I thought.. I thought.." pagsasalita niya

Pinilit kong kalasin ang pagkakayakap niya sa akin at nagtagumpay naman ako. Ngayon ay magkaharap na kami at kitang kita ko ang mga luhang pumapatak sa kanyang pisngi.

"Akala mo ano?" tanong ko pero tinignan niya lang ako at marahas na pinahid ang kanyang sariling mga luha.

"Nothing. Balik na ako sa taas" sabi niya at humakbang palayo saakin

"Sandali lang, magusap muna tayo" pigil ko sakanya

"Wala tayong dapat pag-usapan, kung akala mo nakakalimutan kona ang ginawa mong pag-iwan sa sakin dahil sa nangyari kagabi nagkakamali ka."

"G-gino"

"You can leave this house if you want, but you can't bring my daughter with you" he said and left me without hearing my words.

Hanggang ngayon hindi parin ako sanay sa lamig ng pakikitungo sa akin ni Gino, sa mga masasakit na salitang bumabaon sa aking puso.

Ilang araw na ang lumipas ngunit hanggang ngayon hindi parin ako pinapakinggan ni Gino sa mga nais ko pang sabihin. Ganito nalamang ba kame? Ang pag-aakalang maayos pa namin ito ay mukhang malabo pa sa ngayon, lalo na ng malaman kong may balak na pala siyang pakasalan.

HIDDEN DESIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon