Ang buhay hindi pweding lagi nalang masaya dahil lahat ng kasiyahan ay may kapalit na kasawian. Ikaw man ang naiwan o ikaw ang nang-iwan. Patas man o hindi. Masaktan ka man o makasakit ka man.
Hindi lahat dahil iniwan ka ay labis kanang nasaktan dahil madalas kung sino pang nang-iwan ay sila pa ang labis na nasasaktan. Desisyon sa pagitan ng kasiyahan nila at kasiyahan ng iba ang batayan.
Sa umpisa hindi madali pero kapag nasanay kana unti unti ka ng mawawalan ng pakialam kung anong mga bagay na nagpahirap sayo.
Pero hindi mo kailangang huminto. Hindi doon nagtatapos ang kwento ng buhay mo dahil iyon palang simula ng pakikipagsapalaran mo kay tadhana para mabuhay sa mundong ginagalawan mo.
"Mama, gutom na po Andie" napatingin ako sa anak ko na nagrereklamo na dahil sa gutom.
"Kawawa naman baby Andie, ko gutom na siya. Anong gusto mong kainin baby?" tanong ko dito kase hindi din ako nakapagluto dahil nawala sa isip ko nakipaglabada kasi ako iniwan ko muna ang anak ko sa kapit bahay namin.
"Sorry baby, babawi si mama sa sahod niya. Kakain tayo sa paborito mong fastfood" nagliwanag naman ang kanyang mga mata sa narinig
"Talaga po mama? Promise po?"
"Yes, I promise baby. Tara na ngayon ok lang ba hotdog and tocino muna ang iluluto ni mama?"
"Opo, hotdog mama" tatango tango nyang sagot
Napatingin nalang ako sa anak kong nakaupo sa sala na naglalaro magisa. Mukhang gutom nanga dahil hindi yang manghihingi ng pagkain kung hindi siya nagugutom. Naawa ako sa kalagayan namin dahil sa maling desisyon kong nagawa. Patawad anak. Napakamakasarili ni mama, sana balang araw mapatawad mo ako.
Limang taong. Limang taon na ang lumipas mula noong kinalimutan ko ang buhay ko bilang isang tagapagmana ng napakalaking kumpanya. Limang taon na mula ng takasan ko ang problema na dapat hinarap ko. At limang taon nadin ng magdesisyon akong iwanan ang taong pinakamamahal para lang sa kaibigan ko.
Akala ko hindi magbubunga ang pagmamahalan ni Gino, pero ito ngayon si Andie na nakuha lahat ng itsura ng Gino maging ang kanyang ugali. Mula noon wala na akong balita sakanila. Nakapagtapos man ako ng pag-aaral pero hindi ko magamit iyon dahil sa takot na baka matuntun ako ng mga taong iniiwasan ko.
Noong iniiwan ko ang lahat at nakapagkalayolayo ay napunta ako sa Bataan, noong una hindi pako nahihirapan dahil nagamit ko ang mga naipon ko sa ATM ko hanggang sa manganak ako. Hindi yon mat-trace nila daddy dahil bago ako mapadpad dito ay kinuha kona lahat para pgkadatin ko dito ay hindi na nila ako masundan.
Nakahanap ako ng isang murang apartment na tinitirhan namin ngayon, pero nung nagtatlong taong gulang si Andie nagkasakit siya kinailangan ko ng malaking halaga kaya lahat lahat naubos hanggang sa wala nakong ibang pagpipilian kundi ang pumasok bilang katulong at labandera sa mga mayayaman na kapit bahay namin.
Ang noong walang problema sa pera ngayon ay mukha ng pulubi dahil sa kahirapan. Mapaglaro talaga ang tadhana.
"Mama, umiiyak kapo?" bigla kong pinunasan ang mga luhang Lumandas sa aking pisngi ng marinig ko ang anak ko
"Hindi anak. Masaya lang si mama dahil binigyan niya ako ng napakagandang anak" natawa naman si Andie sa sinabi ko. Parang ang kanyang tatay na sobrang natutuwa kapag pinupuri ng ibang tao.
"Halikana anak, tama na muna ang laro kain muna tayo at pagkatapos maliligo na ah, ang baho baho Mona"
"Mama hindi naman po mabaho si Andie e, ikaw po mabaho" sagot pa nito sa akin.
BINABASA MO ANG
HIDDEN DESIRE (COMPLETED)
Romantik#1- Clandestine Series Synopsis: Ang pag-ibig ay hindi isang laro na kapag gusto mong manalo ay mananalo kana agad sa isang subok. Minsan ay kailangan molang maghintay nang tamang pagkakaton para masabi mong mananalo kana sa pagkakataong ito. Si Yu...
