FORTY

50 2 0
                                    


"Mama. Mama, gising na po." nagising ako sa tawag ng aking anak.

Gumalaw ako sa pagkakahiga ko nang maramdaman ko na parang May nakadagan sa aking katawan.

"Mama naman. Wake up na po. Bakit po dito ka po natulog sa kwarto ni daddy?" curious na tanong ng anak ko

Naramdaman kong gumalaw si Gino sa pagkakahiga. " What did you say Baby?" Biglang umupo at tanong ni Gino sa anak.

Napayuko naman ang anak ko. " W-wala po. Susungitan niyo na naman po ako?"

Pinalapit ko ang anak ko sa akin dahil hindi ko alam bakit naitanong niya iyon. "Anak, halika dito. Hindi ka naman susungitan ng daddy mo e. Gusto niya lang ipaulit ang sinabi mo."

Tumango naman ang anak ko. " Opo. Ano po ba iyon, daddy?" Baling niya sa ama.

"That's it, baby. Repeat it again, please"

"Ano po? Yung daddy po?"

Bigla namang hinila ni Gino ang anak at niyakap ito ng mahigpit. "I made it! Yes! Thank you god, for making me happy."

"Daddy, umiiyak kaba? Sorry na po. Hindi na po ako magagalit sa inyo. Pangako po, daddy"

Tumango tango lang si Gino sa tinuran ng anak namin. "No baby. I'm not cry. Masaya lang ako dahil tinawag mo na akong daddy. Alam mo ba baby ang tagal kong hinintay na tawagin mo din akong daddy. Thank you baby." Sobrang saya. Sobrang saya ni Gino at nakikita ko iyon sa mga mata niya.

"Come here, love" yaya sa akin ni Gino para makasali ako sa yakapan nilang mag-ama.

Nagdadalawang isip pa ako kung lalapit na ako dahil ayokong umasa na sa huli wala din akong mapapala. Pero sa huli si Gino na ang humila sa akin ng hindi na hinihintay ang sasabihin ko.

*Stop. Let's stop pretending na hindi na natin mahal ang isa't isa. I don't want to see you crying again because of me, I'm sorry love."

"Gino"

He stop me from saying anything. " Shsss. I don't want to hear it anymore. Let's just give it a try again for Andie."

That's it! For Andie. For our daughter. Hindi para sa pagmamahalan namin kundi gagawin lang namin ito para sa anak namin.

Tango at ngiti lang ang tanging naisagot ko sakanya. Wala na akong gustong sabihin. Masaya na ako dahil nagkasundo na ang mag-ama ko. Kahit na hindi na ako.

"I love you, baby" tinig niya sa anak pero sa akin nakatingin.

"Mahal din po kita daddy. Kayo po ni mama." Sagot ni Andie.

"Tara na po. Gutom na po ako mama"

"Ganon ba baby? Let's go downstairs."

"Opo"

Bumaba na sila sa kama at naiwan lang akong nakatingin sa kanila. Ang saya nila pagmasdan.

Inilahad ni Gino ang kamay niya sa akin. "Love, let's go. Nagugutom na ang anak natin"

"Ah, ah oo. Tara na." Sagot ko sakanya.

Nakatingin lang ako Sakanila habang kumakain kami, naguusap ang dalawa tungkol sa kung saan saan. Ako, tahimik lang na tila dinarama ang nangyayari ngayon.

"Mama, kailan po ako ulit mag-aaral?"

"Anak, saka nalang kapag naayos kona ang lahat. Ayos lang ba?"

"Kailan po?"

"Baby, do you want to go to school now? What grade are you?"

"Opo daddy. Gusto ko po mag-aral ulit. "

"Ok baby. Tommorow we'll go to your school."

"Talaga po daddy? Kasama po si mama at tito Christian?"

Napatingin naman sa akin si Gino na para bang hindi alam kung papayag ba sa gusto ng anak ko.

"Andie, anak, busy ang tito Christian mo kaya hindi siya makakasama sa atin papuntang school mo. Tayo nalang muna ng daddy mo"

Nalungkot naman ang anak ko sa sinabi ko. " Pero mama, miss ko na po si tito. Please. Please po sama na po si tito" pagmamakaawa niya pa.

"Daddy?"

"Yes baby?"

"Sama po natin si tito. Pwedi po?

"But baby, your tito is a busy person."

"Pero po" pagmamakaawa pa nito sa ama

"Fine. May magagawa pa ba ako? " Pagsuko ng anak ko

"Promise daddy? Thank you po." Tuwa ng anak ko at niyakap siya ng mahigpit.

"You're welcome, baby." Yakap pabalik ni Gino pero May lungkot parin sa kanyang mga mata.

Tapos na kami mag-almusal. Si Andie ay naglalaro na sa likod ng bahay kasama ang katulong na kinuha ni Gino para sakanya.

Pinuntahan ko siya sa may Teresa Ng kwarto niya "Gino"

"It's ok. I'm fine, Yumi"

"Are you sure? Pwedi ka namang humindi."

"I want to but I can't do that. You know that I will do everything just to make my daughter happy."

"I know Gino. You want her to be happy but what about you?"

"Don't worry about me. I can handle this. Nagseselos lang ako dahil mas malapit ang anak ko sa Tito niya, samantalang sa akin ang ngayon palang niya ako natatanggap."

"Kaya nga e. Gusto kong magkaroon muna kayo ng oras sa isa't isa ng anak mo. Tapos ngayon hinayaan mo pang isama si Christian kahit na nagseselos ka sa pagiging malapit nila."

"Yumi, please. Hayaan mo nalang ako. Gusto kong maging masaya ang anak ko, hindi ako umayaw dahil gusto ko. Umayaw ako dahil gusto kong ibigay ang gusto ng anak ko."

"Ikaw bahala. Aalis na muna ako. Maghahanap lang akong trabaho."

"What? Magtatrabaho? For what?"

"For Andie"

"Hindi mo na kailangan magtrabaho nandito naman ako"

"Yeah, nandyan ka din naman para sa anak natin pero may obligasyon din naman ako sa anak ko. Ayoko namang umasa nalang sa pera mo."

"Yumi, what are you talking about? Akala ko ba nagkaayos na tayo? I'm serious a while ako. Let's start over again. With you and our daughter."

"Gino, huwag. Alam kong ginagawa mo ito para sa anak natin at ito lang naman ang gusto ko e, ang magkasundo kayo ng anak natin. Nagtagumpay ako. Kaya ngayon gusto ko na maglagay ng pader sa pagitan natin para hindi na ako umasa na pati tayo ay magkaayos."

"Yumi"

"I know. Ginagawa mo ito para sa anak natin. Naiintindihan ko, limang taon. Limang taon ang pinagkait ko sayo kaya hindi na ako umaasa pang maibabalik natin ang nakaraan."

Tumalikod na ako sakanya para hindi na siya makapag salita pa. "Yumi, don't do this to me" habol pa niya

"No, don't do this to me." Balik ko sakanya.

"Alis na ako. Ikaw na muna ang bahala sa anak natin."

Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa. Dumiretso na ako sa labas para makapagpaalam na din sa anak ko.

"Andie, anak? Aalis muna si mama ah. Maghahanap lang ng trabaho si mama para May pang school ka"

"Sige po mama. Ingat ka po ah?"

"Yes, baby"

"Ba-bye po mama"

Pagkatapos magpaalam sa anak ko ay lumabas na ako. Nag presinta pa na ihatid ako ng driver ni Gino pero hindi na ako nagpahatid. Naglakad nalang ako at nag-abang ng jeep na masasakyan.

Kaya ko ito! Ako pa ba? Limang taon nga natiis kong magtrabaho kahit mahirap ngayon pa kaya?

Life's go on. We need to sacrifice our own happiness just to see our love ones to be happy.

HIDDEN DESIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon