CHAPTER FOUR
Yumi's POV
Paano koba sisimulan to? Kinakabahan ako baka ma wrong grammar na naman ako at mapahiya nadala na kase ako noon nung grade 10 ako sya din ang prof ko kaso, yun nga diba sabi ko naman na masyado syang perpekto pagdating sa pagtuturo. Kaya nga once na sasagot ako medyo na carried away lang ako kaya nakalimutan kong sumunod sa policy na "English Policy" during his class. So yun nga patuloy lang ako sa pagsagot hanggang sa nagtaka ako sa pananahimik ng buong klase tapos nung napaharap ako sa prof ko na prof ko ulit ngayon para syang Ewan basta diko maipaliwanag ang itsura nya.
Flashback
Discuss.. Discuss.. Discuss..
"Now class, did you get what my point here?"
"Yes, Sir" in unison
"Much better"
Ang daming keme! Tsk..
"Miss Lee, your spacing out again"
Yes again! Haha totoo naman kase e, lagi ako ganito pag sya na ang prof ko.
"Miss Lee, again I repeat my question to you" inis na sabi nya
"Ah, y-yes sir"
"What is the difference between Speaking and talking? In English" paano ba to?
"Speaking, ito ay kung saan lahat ng mga sinasabi o sasabihin mo ay may basehan or lahat ng mga sasabihin mo ay may halaga Hindi kalang basta basta nagsasalita ng mga walang bagay, at ang talking naman ito ay yung bang parang lahat ng mga sasabihin mo ay puro lang mga sabi sabi o mga chismis o yung mga opinion lang sya, walang basehan o batayan." Uupo na sana ako kayo napansin Kong natahimik ng buong klasen pati ang prof ko
Wow! Amazing. Galing ko talaga napatahimik ko silang lahat. Haha ako na talga walang makatatalo saakin. Kaso may iba e parang may nakatingin saakin na parang naiirita, naiinis o anuman nung napatingin ako sa prof ko, confirmed!
"How many times do I have to tell you that during my class you need to speak in English whether you like it or not." napayuko nalang ako sa kahihiyan tama naman kase sya e
"Whats your problem with my subject your always like that, spacing out and most of the time you're using our own language which is not allowed here in my class" wag kang iiyak Yumi matapang ka
"Now tell me, what's your problem?" Nagtitimping sabi nya
"Simple. I'm a Filipino so why am I not allowed to used my own language" sabi ko na mukhang ikinagulat niya
"Again Miss Lee? " kainis
"Nothing. I don't have any problem with your subject Sir my problem is your attitude, I get you that this is a English subject but can't you sir? Everyone is trying their best just to impressed you with this damn subject."
"Amazing, ikaw na Yumi"
"Galing, "
"Tama nga naman siya, Filipino tayo kaya dapat gamitin ang sariling wika" mga baliw
"Paano mo nagawa yon!" Alin?
Huh? Ano daw ako magaling? Yumi, ano nanaman bang nagawa mo? Pero napatingin ako sa teacher ko bakit ang laki ng ngiti ng mokong nato! Ayoko na talaga! Kainis.
"Excuse me" sabi ko ng nakayuko diretso sa sa labas pero-
"I like your boldness" huh? Pano ako naging matapang?
Tinignan ko lang sya at tuluyan ng lumabas and dumiretso na ng Comfort room. Nagkulong lang ako isa sa mga cubicle dito, ayoko ng pumasok. Nakakahiya ako naging mabait panaman sya saakin nung wala pang klase, noong nag offer sya na pag NASA labas kame Alison ang formality but now binastos kosya.
"Ang kapal! Kpal ng mukha ng babae nayon. Sino basya para sagut- sagutin si sir Gino?" -girl 1
"Tama kadyan girl, walang hiya" - girl 2
"Pero, Yumi got a point masyado kaseng perfectionist si sir Gino. Kaya ayan pati si Yumi napuno narin sakanya"
"Pero Mali parin yon, she has a point but she did her move in a wrong way, Mali ang paraan nya"
"I don't think so, girls. Basta ako Kay yumi padin ako. Napuno lang sya kaya niya nagawawang magsalita ng gano at impyernes girl nag English sya ah, marunong naman pala siya e" sabi nila tapos sabay sabay na nag tawanan.
"Kaya nga no, sabi nya hirap syang mag English but when she got pissed off, all of a sudden diretso at maganda ang English nya ah."
Pagkatapos noon ay bigla nalang natahimik mukhang umalis nanga sila ng tuluyan. Pero tumatak saakin yung huli bilang sinabi kase kahit ako nagulat sa pinagsasabi ko Kay sir, nakakahiya!
"Nothing. I don't have any problem with your subject Sir my problem is your attitude, I get you that this is a English subject but can't you sir? Everyone is trying their best just to impressed you with this damn subject."
Muling Kong naalala yung pag sigaw at pag sagot ko Kay sir kanina. Patay nako sigurado Kay kuya nito mukhang close panaman sila, worst is bestfriend pa ata sila.
I'm dead! Ano na ang gagawin ko ngayon?
Hindi ko alam saan ko nakuha ang lakas ng loob ko para sagutin si sir ng ganon. Alam ko mali dahil teacher ko siya at estudyante nya lang ako pero hindi ko talaga mapigilan e.
Nagpaliwanag akong ng maayos can't he just considered that? Hindi man lang na appreciate na tama ang sagot ko sakanya mas inuna niya pa talaga ang bwisit na policy nayon.
Alam ko mamaya pagkauwi ko si kuya sasalubong sa akin para sermonan ako. Bakit? Malamang magsusumbong yung ng matandang binata nayon na puro English nalang ang alam.
Nonsense!
*
BINABASA MO ANG
HIDDEN DESIRE (COMPLETED)
Roman d'amour#1- Clandestine Series Synopsis: Ang pag-ibig ay hindi isang laro na kapag gusto mong manalo ay mananalo kana agad sa isang subok. Minsan ay kailangan molang maghintay nang tamang pagkakaton para masabi mong mananalo kana sa pagkakataong ito. Si Yu...
