THIRTY SIX

64 2 0
                                    


"Yumi?" gulat na tanong niya ng makita niya kame ng anak ko sa harapan ng kanyang bahay

"A-anong ginagawa niyo dito?" he asked

"Pwedi bang dito muna kame ng anak ko pansamantala?" tanong ko sakanya

"Ah, sandali lang Yumi, bakit dito saakin?" pigil niya ng dite diretso akong pumasok sa loob ng bahay niya

"Bakit? Bawal ba dito sa bahay mo?" tanong ko sakanya

"Oo. Ang ibig kong sabihin hindi naman sa hindi pwede kaso pag nalaman ng kapatid ko na nandito kayo bubugbugin ako non"

"Don't worry, hindi ko hahayaang gawin niya iyon atsaka hindi naman niya malalaman. Unless, sasabihin mo"

"Yumi naman, doon ka nalang sa bahay niyo ng kapatid ko. Hindi ka talaga pwede dito."

"Tinataboy mo ba talaga kami ng pamangkin mo?"

"Of course not. Ang akin lang ayaw ko pang mamatay. Hindi ko panga naikakalat ang lahi ko e" binatukan ko nga, puro kalokohan "Aray, tignan mo nambabatok kapa!"

"Tsk. Manahimik kanga. Bukas aalis din kame, babalik kame sa pinanggalingan namin huwag kang mag-alala. Ngayon pasilong muna antok na antok na ang anak ko" sabi ko at hinarap ang anak ko

"Andie, anak dito muna tayo kay tito ngayong gabi ah?" tumango lang ito at kinusot kusot ang mga mata nya " Bukas babalik na tayo sa bahay natin hindi na tayo babalik dito"

"Opo. Mama inaantok na po ako" napatingin naman ako kay Gerard kay napag buntong hininga nalang siya.

"Fine. Doon nalang kayo sa guest room sa taas ikatlong pinto sa kanan" 

"Salamat." tinanguan niya lang ako at umalis na papuntang kusina.

Alam ko naman na may dahilan siya kung bakit ganoon ang inasal niya. Naiintindihan ko dahil alam ko ayaw niya lang masira ulit ang kanilang relasyon ng kanyang kapatid dahil lang sa akin.

Pinuntahan na namin ng anak ko ang kwartong sinabi saakin Gerard. Malinis at malaki din ang kama sobra pa sa aming dalawa. Agad na sumalampak ang anak ko sa kama ng makapasok kame dahil narin sa sobrang antok na niya ay hindi niya na nakuhang maghilamos.

Ako naman ay dumiretso ng banyo upang maligo at mag-ayos narin ng sarili, pagod man ako sa araw na ito ngunit di parin ako makatulog dala narin ng sobrang pag iisip ng kung ano na ang mangyayari saamin ng anak ko lalo na galit ang aking mga magulang maging ang ama ng anak ko.

Naiisip ko man na umalis nalang ulit ngunit ayoko ng dagdagan pa ang galit sa akin ng mga taong mahal ko. Hindi ko na tatakbuhan ulit ang mga bagay na kaya ko namang solusyonan kung haharapin ko ito.

"Anak aalis lang saglit si mama ah, gagawin ko lang ito para sayo pero pangako babalik din ako agad." paalam ko sa anak ko ng magpasyang umalis muna ako saglit para puntahan ang taong alam kong makakatulong sa akin.

Nakapatay na ang ilaw sa buong bahay maliban ang naiwang ilaw sa may kusina kaya nagdagan dahan akong sa pagbaba ko para hindi ako marinig ng ng kung sino mang tao na naroon. Malapit na ako sa may pinto ng marinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin.

"Where are you going? Aalis Kana naman ba? Iiwan mo na naman ba ako?" galit ngunit may halong kalungkutan ang boses ng nagsalita

"B-bakit ka nandito? Nasaan si Gerard?" kinakabahan kong tanong

"Huwag mo akong sagutin ng mga tanong mo! Ang tanong ko ang sagutin mo" mahinang sigaw nito

"H-hindi ako aalis. May pupuntahan lang"

HIDDEN DESIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon