THIRTY

52 1 0
                                    

Tulad ng plano ko pagkauwi ng anak ko ay lumuwas na kame sa kung saan man kami dalhin ng mga paa namin. Alam kong hindi tama na mas ilayo kopa lalo ang anak ko sa ama niya, pero ayaw ko ding nawala nalang basta ang anak ko sa tabi ko. Natatakot ako. Kaya wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang magpakalayo layo na naman.




"Anak, tara na. Maiiwan na tayo ng barko" pero mukhang hindi niya ako napansin dahil mayroon siyang tinatanaw sa bandang kaliwa mula sa kung saan kami naka pwesto.




"Mama, diba po si tita Ching, iyon? Yung nasa bahay po kanina?" naalerto ako sa sinabi ng anak ko pero hindi ko pinahalatang kinakabahan ako. Maaring mayroon siyang kasama, maaring mag-isa lamang siya pero kung ano man ang dahilan niya kung bakit siya narito ay wala na akong pakialam, ang gusto ko lang ngayon ay ang makaalis na sa lugar na ito.





"Tita" biglang bumitaw sa akin si Andie ng nasiguro niyang tama siya ng nakita niya




"Anak, saan ka pupunta bumalik ka kay mama. Maiiwanan na tayo ng barko" sigaw kopa dito at balak kong sundan pero biglang may nagtakip sa bibig ko at unti unti akong nanghina



"Anak ko, bumalik ka kay mama pakiusapan" walang tinig na lumalabas sa aking bibig ng unti ng talangang nagdilim ang aking paligid.





Third person's point of view

Nasa may pier sina Yumi ng biglang makita ng anak niyang si Andie ang kaibigan ng kanyang ina. Pasakay nalamang sila ng biglang bumitaw si Andie sa ina upang puntahan ang tita Ching daw nito ngunit ng habulin sana siya ni Yumi ay mayroong taon na nagtakip ng kanyang bibig at unti unti na itong nawalan ng malay at hindi na alam kung saan napunta ang kanyang anak.



Sa kabilang banda tahimik lamang si Andie sa loob ng sasakyan kasama ang kanyang tita Ching, pero hindi maiwasan ng bata ang magtanong kung nasaan ang kanyang ina.



"Tita nasaan mo si mama" tanong na bata sakanya



"Nasa likod natin si mama mo Andie, kasama niya sa sasakyan ang daddy mo" sa sinabi babae ay biglang nanlaki ang mga mata ng bata sa narinig




"D-daddy po? Paano po iyon, ang sabi po ni mama hindi po niya alam kung nasaan ang papa ko"




,"Andie, ganito yan mayroon lang kasing di napagkasunduan si mama at papa mo kaya hindi sila magkasama ngayon. Pero tandaan mo kahit na hindi mo nakasama si papa mo noong bata ka mahal na mahal ka non" pilit na ipinapaliwanag ng babae sa bata ang nangyayari pero mukhang naguluhan lang ang bata




"Hindi po totoo yan. Kung mahal po kami ni papa hindi niya po hahayaan na magkasakit ako at mahirapan si mama sa pagtatrabaho. Nakikita ko po si mama sugat kamay niya dahil sa akin kaya po kung mahal kame ni papa hindi po mangyayari kay mama yon" depensa ng bata dito




"Ganyan ba ang sinasabi ng mama mo tungkol sa papa mo?" umiling naman ang bata




"Hindi po. Ang sabi din po ni mama kapag daw malaki na ako makikita kona si papa. Sabi din po niya miss na ko ni papa at mahal daw niya ako"



"Tama ang mama mo, Andie" pagkumbinsi nito sa bata




"Hindi po ako naniniwala. Galit po ako kay papa. Hindi niya po kame mahal." Umiiyak na tugon ng bata. Hindi mawari ng babae kung anong gagawin sa bata upang mapatahan ito lalo na na mukhang galit nga ito sa ama niya.




Natahimik nalang ang babae at nakokonsensya sa mga nangyayari dahil kung hindi siya naging makasarili noon ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Punong puno ng pagsisi ang nasa isip nito.



"Andie, pwedi kabang makinig kay tita Ching?"




"Opo" pangsang-ayon ng bata




"May sasabihin ako pero 'wag kang magagalit kay tita ah" tumango tango lang ang bata bilang tugon " kasalanan kase ni tita kung bakit naghiwalay si mama mo at papa, kaya ngayon gusto kong bumawi sa inyo kaya sinabi ko sa papa mo kung nasaan kayo. Alam kong hindi mopa maiintindihan ang lahat ngayon pero kapag lumaki Kana maiintindihan mo lahat at handa akong manghingi ulit sayo ng tawad para lang hindi kana magalit sa papa mo." mahabang paliwanag nito dito




Kabilang sasakyan



"Bro, hindi pa nagigising. Kinakabahan na ako" sabi ng lalaki



"Gago ka! Napadami ata ang inilagay mong gamot kaya ngayon hindi padin nagigising" binatukan naman siya na kasamahan niya



"Shut your mouth both of you." irita namang tugon ng isa pa nilang kasama



Nanahimik naman ang dalawa bilang pagsunod sa kanilang kasama. Pero ng natahimik sila ilang minuto lang ang napapansin na nila ang paunti unting paggalaw ng babae pero hindi pa naimumulat ang kanyang mga mata.



"Anak, Andie, nasaan kana, bakit mo iniwan si mama" banggit nito na mayroong luhang tumulo sa kanyang mga bata. Mukhang nananaginip lang siya.



Mapapansin ang awa sa mga mata ng mga kalalakihan habang nakatingin sa babae. Napakalaki ng pinagbago ng kanyang katawan, mula sa isang napakagandang pigura noon, ngayon ay tila sa isang iglap ay liliparin siya kapag humangin ng malakas dala ng kanyang kapayatan. Ang mukha niyang walang katumbas na kagandahan tila naging isang tuyong papel dahil sa hindi na ito naaalagaan. Mga palad na puno ng sugat pero napanatili parin ang kalambutan nito kahit na pulang pula na ito dala ng mga sugat na natamo sa pagtatrabaho.





Unti unting naluha ang isa sa kanila dahil sa nakikita. Hindi niya lubos maisip kung bakit ganito ang sinapit ng kanyang taong pinakamamahal. Gusto niyang sisihin ang sarili kung bakit ngayon niya lang ito natagpuan, kung sana noon pa hindi nanya mararanasan ang mga naranasan niyang hirap noong wala ito sa puder niya.




Yumi's POV




Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto hindi ko alam kung nasaan ako. Pero alam kong kwarto ito ng isang lalake dahil narin sa amoy at itsura nito.



Natapos ang aking pageksamina sa kwarto ng maalala ko ang anak ko na nahiwalay sa akin. Tumayo ako kahit na nanghihina ako dahil sa pinaamoy nila sa akin kanina pero hindi ko iyon ininda, dali dali akong pumunta sa pintuan pero nawalan ako ng pag-asa ng naka lock ito mula sa labas.





"Palabasin niyo ako dito! Kailangan ako ng anak ko, pakiusap. Nakikiusap ako. Kailangan kong makita ang anak ko" sigaw ko habang naiiyak na dahil sa pag-aalala.




Hindi ako tumigil sa pagsigaw nagbabakasakaling May makarinig sa akin pero mukhang malabo dahil napakatahimik sa labas mukhang walang tao. Napaupo nalang ako sa sahig pero ng may mapansin akong mga mabibigat na yabag mula sa labas ay sumigaw ulit ako para humingi ng tulong .




"Tulong! Palabasin niyo po ako dito. Hinihintay na po ako ng anak ko, pakiusap mo. Hindi po pweding mawalay ng matagal sa akin ang anak ko. Pakiusap." Patuloy lang ako sa pagkatok hanggang sa maramdaman ko ang pagpihit ng busol ng pinto. Pero imbes na mabuhayan ako ay tila naubusan ako ng dugo sa katawan, at natutop ang bibig na kanina pa sigaw ng sigaw ng tulong.




"Hindi! Hindi maari, bakit nandito ako. Bakit nandito siya?". Mga tanong na gusto kong sabihin pero pati sarili kong boses ay hindi ko marinig.



Napailing iling na ako na sana panaginip ang lahat ng ito at napaupo sa sahig dahil sa panghihina.





"I miss you, Love"

HIDDEN DESIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon