"Mary me, Yumi"In just three words everything change my doubt towards his feelings for me.
"Gino" naiiyak na tawag ko sakanya
Nilapitan naman niya ako agad at pinunasan ang mga luhang lumalandas sa aking pisngi.
"You heard it right, love. Let's get married." Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil kusa itong gumalaw at binigyan siya ng isang napaka higpit na yakap.
"Yes. Yes, Gino. Magpapakasal ako sayo. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon."
"Shsss. Stop crying, please. I don't want to see you crying again." pero mas humagulgol lang ako
"G-gino.. akala ko hindi mo na ako mahal. Akala ko ganito nalang tayo. Akala ko ginagawa molang ito dahil May anak tayo. Akala..akala ko.."
"Stop, Yumi. I love you. I have loved you. Huwag mong isipin na ginagawa ko ito dahil sa anak natin. I am doing this because I love you." mas hinigpitan ko ang yakap ko sakanya ang mga luha ko na ayaw parin tumigil sa pagtulo dahil sa mga salitang binitawan niya.
"Nasaktan ako. Nawasak ako. Nadurog ako nang iwanan mo ako. Alam ng lahat iyon. Sinubukan kong hanapin ka, pero hindi ko alam bakit hindi ko magawa. Para bang ang tadhana na ang gumagawa ng paraan para hindi na kita makita. Pero ilang taon pa ang lumipas, nakaramdam ako ng pagod. Wala ng natira kahit na katiting na pag-aalala sayo." Nakatingin lang ako sakanya
"Pinangako ko sa sarili ko, kapag dumating ang araw na magkita tayo ulit hindi ko hahayaang maging masaya ka. Gusto kong maranasan mo ang naranasan ko. Pero lahat ng paghihiganting pinagplanuhan ko ay nawala ng makita ko ang batang kalong mo ng makita ko kayo sa pier."
"I'm sorry. Nilihim ko ang anak natin. Natatakot ako baka hindi mo siya matanggap." umiling siya at pinunasan ang luha ko
"No. Kahit na gaano kalaki ang galit ko sayo hindi ko magagawang talikuran ang anak ko lalo na at ikaw ang ina. Pinaliwanag sakin ni Chi-Chi ang lahat. Nag-usap kayo at nalaman ko ang lahat ng hirap mo mapalaki lang ng maayos si Andie. Pero.."
"I'm sorry."
"Nalaman ko din na may sakit siya. Hindi ko alam kung ano. Hindi sinabi ni Chi-Chi. Sinubukan kong obserbahan ang anak natin pero isa lang ang napansin ko, madali siyang mapagod. Hinihingal siya at nahihirapan huminga."
"Sorry. Kasalanan ko, hindi ko naipagamot ang anak natin. Ang akala kong magiging ayos siya nang maoperahan na pero hindi pa pala, dahil.. dahil.. I'm sorry."
"Yumi, stop crying please. Ipapagamot natin siya. Dadalhin natin siya sa Amerika at doon Ipapagamot."
"Pero, bata pa siya. Paano kung hindi niya kayanin. Paano kung, mawala siya sa atin. Gino hindi ko kaya. Hindi ko kaya."
"Kayanin mo para sa anak natin. Huwag kang magisip isip ng kung anu-ano. Sa ngayon, gusto ko isipin mo ang kasal nating dalawa."
"Gino. I know you're serious but what about my parents including kuya Yael?"
"Don't worry. Ako na ang bahala."
Tumango na lang ako at niyakap ulit siya.
"Love?" tawag niya habang nakayakap parin sa kanya
"Hmmm."
"Pwede isa pa?"
Nahampas ko siya bigla dahil sa narinig ko. Hindi pa nga nawawala ang sakit ngayon gusto pa umisa? "No"
"Please? Ill be gentle this time. Higa ka lang hindi mo kailangan gumalaw." Shit! Nahiya naman ako sa pinagsasabi niya
"Ano ba! Tumigil kanga. Baka paparating na sina Andie maabutan tayo nun."
BINABASA MO ANG
HIDDEN DESIRE (COMPLETED)
Storie d'amore#1- Clandestine Series Synopsis: Ang pag-ibig ay hindi isang laro na kapag gusto mong manalo ay mananalo kana agad sa isang subok. Minsan ay kailangan molang maghintay nang tamang pagkakaton para masabi mong mananalo kana sa pagkakataong ito. Si Yu...