Napatayo ako sa narinig na pagbagsak sa baba. Sigurado akong si Gino 'yon. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at lumabas na ako ng silid ng anak ko para mapuntahan si Gino."G-gino?" tawag ko sa pangalan niya ngunit hindi ito sumagot.
Kinakabahan ako ng makita kong nakahandusay siya sa sahig habang may dugong dumadaloy sa kanyang kamay. " Gino! Anong nangyari sayo?"
Inalalayan ko siyang makatayo papuntang itaas. "Wake up, Gino. Dadalhin kita sa kwarto para makapagpahinga ka na"
"Hmmm" ungol lang ang sagot niya saakin.
Tsk. Nakarating kame sa kwarto ng hindi man lang nagising ito. Ganon ba siya kalasing at hindi man lang nagising kahit kinakaladkad kona siya?
Ibinaba ko siya ng dahan dahan sa kanyang kama. Tulog parin. Nakita kong medyo basa ang suot niya damit kaya hinubad ko ito. Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo sa kanyang kama ng higitin niya ako sa aking kamay.
"Don't go, Love, Please"
Inalis ko ang pagkakahawak ng kamay nya sa kamay ko "Shsss, hindi ako aalis. Kukuha lang ako ng pampalit mo."
Nakawala ako sa pagkakahawak niya niya kaya dumiretso na ako sa closet niya para kumuha ng sando. Pero nakapukaw ng atensyon ang isang maliit ng kahon na kulay pula. Dala ng kuryosidad, kinuha ko ito at unti unting binuksan ang kahon.
"What are you doing here?"
Sa gulat ko ay nabitawan ko ang hawak ko at nalaglag ito sa sahig. "W-wla. Kumuha lang ako ng sando pampalit mo." kinakabahan kong sagot habang nakatago parin sa likuran ko ang kahon pero ang laman ay nahulog ko sa bababa.
"Ok na ako. Lumabas Kana."
"S-sige" aalis na ako ng magsalita ulit siya
"Why are you stuttering?" dudang niya
"K-kasi."
"What? May speech defect kaba? Bakit hindi ka magsalita ng maayos?"
"Ito" pakita ko sa kanya sa kahon "Nakita ko kase ito habang kumukuha ng damit mo, kaya ano, na curious ako kung anong laman niyan. Promise hindi ko sinasadyang mahulog ang laman. Nagulat kase ako sayo e." natataranta kong sabi
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin pero parang nagpipigil siya ng ngiti. "Ok" yun lang? Ok ang sagot?
"Hahanapin ko nalang."
"Huwag na. Hayaan mo nalang iyon, wala nadin namang halaga iyon. Masaya na sa iba ang pagbibigyan ko dapat non, mukhang huli na naman ako kaya hayaan mo nalang mawala." Seryoso ngunit may lungkot sa kanyang pananalita. Hindi ko nalang sinagot tutal tinalikuran na naman niya ako.
Nakatingin lang ako sakanya habang pabalik sa kama nya dala ang sando na napili ko ng bigla na naman siyang parang matutumba kung hindi lang siya nakahawak sa dinding.
"Ayos kalang ba? Teka mainit ka." Hinipuan ko ang kanyang noo pero tinampal niya lang ito.
"Don't touch me. I'm fine. Magpahinga ka na" he said
"Paano ako makapagpahinga kung alam kong may sakit ka at walang mag-aalaga sayo?"
"I don't need your help. Please, leave me alone."
"Gino, kahit ngayon lang" I insist
"I said leave me alone!" Nagulat ako sa pagsigaw niya kaya napalayo nalang ako sa kanya at tuluyan ko ng nilisan ang kanyang silid.
It's 9 o'clock in the evening hindi parin ako makatulog. Iniisip ko si Gino. Kaya tumayo nalang ako para pumunta sa kusina at kumuha ng malamig na tubig at towel para bumaba ang kanyang lagnat. Nagdala nadin ako ng gamot para sigurado.
BINABASA MO ANG
HIDDEN DESIRE (COMPLETED)
Любовные романы#1- Clandestine Series Synopsis: Ang pag-ibig ay hindi isang laro na kapag gusto mong manalo ay mananalo kana agad sa isang subok. Minsan ay kailangan molang maghintay nang tamang pagkakaton para masabi mong mananalo kana sa pagkakataong ito. Si Yu...