FORTY ONE

54 1 0
                                    


Sa loob ng isang linggong paghahanap ng trabaho ay sa wakas nakahanap din ako ng mapapasukan. Isang fast food chain ang tumanggap sa akin. Sa wakas ay nagamit ko din ang napag-aralan ko. Noong una ay nais ko lamang mamasukan bilang serbidora sa kainan na iyon pero ng nakita nila ang aking natapos ay natanggap ako bilang isang manager.

Hindi din madali sapagkat ang iba ay tutol dahil wala ako karanasan sa trabaho na iyon. Pero mukhang malapit sa akin ang swerte kaya sa huli ay natanggap ako pagkatapos ng isang linggong paghihintay.

Sa susunod na Linggo naman ay magsisimula na ang klase sa pinasukang paaralan ng anak ko.

"Mama aalis kana po ba?"

"Yes baby. Baka kase mahuli ako sa trabaho kapag hindi pa ako umalis e."

"Pero mama, miss ko na po kayo, lagi nalang po kayong umaalis. Tapos gabi po laging umuuwi."

"Baby, diba nakapausap na tayo tungkol dito kagabi? Dati rin naman bago tayo mapunta dito diba nagtatrabaho din si mama?"

"Opo. Pero po hindi naman po katulad ngayon na gabi na kayo umuuwi." mukhang maiiyak na ang anak ko habang kausap ako

"Andie, anak, promise ni mama sa susunod na Linggo lalabas tayong dalawa." pampalubag sa loob nito

"Yumi, aalis Kana naman?" Biglang sumulpot galing kusina si Gino

"Yes, but"

"But what?" tanong niya at tumingin sa anak niya "I get it. Ako na bahala kay Andie"

"Baby, come to your dad first. I promise, lalabas tayo sa Linggo"

"Ayaw ko po. Huwag nalang po. Alam ko naman po busy kayo." Sagot sa akin ng anak ko at biglang tumakbo papuntang kwarto niya

Ngayon lang ako sinagot ng ganon ng anak ko. Nakokonsensya ako dahil alam kong tama siya. Pero anong magagawa ko kung ito talaga ang kapalaran namin?

Ayokong umasa sa iba. Hindi pa rin kami nagkaayos ng mga magulang ko, kami ni Gino ay wala paring nangyayari sa amin. I mean, our relationship.

"Sorry, i need to go."

"Love" napatingin ako sa kamay na pumigil sa akin. " I mean, Yumi, you don't have to do this. Just stay at home to take care of our daughter. Sinabi ko naman na ako ng bahala sa lahat umuwi lang kayo dito saakin"

"Gino, I know you can do everything you want. I know you can give us money, shelter, foods and everything but I don't want to be dependent to you. Lalo na alam kong darating ang panahon na kailangan kong umalis dito sa bahay na ito kapag nagpakasal Kana."

"Yumi, what are you talking about? Anong aalis? Who's going to marry who? No one is going to leave this house and no one will going to marry someone.

"Gino, Please. Don't confused me with your kindness. I might fall hard if you don't stop doing this."

"Then, if that's the case. I must do this every minutes of your life."

"What do you mean?" naguguluhan kong tanong

"Nothing. Just go. Late kana, unang araw mo pa naman ngayon bilang manager."

"Shit! It all your fault"

"You curse?" he chuckled "Don't blame me. Just go."

"I hate you!"

Lumapit siya sa akin at bumulong sa aking tainga "I know but I love you"

Sa narinig ko ay para na akong magliliyab sa sobrang init ng aking nararamdaman. How can he do this to me?

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa trabahong papasukan ko. Nagmadali ako sa paglalagay ng aking bit it na bag sa maliit na opisina na inihanda talaga para sa akin.

HIDDEN DESIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon