THIRTY EIGHT

48 1 0
                                    


Ilang araw na nang makipagkita at kausapin ko sina Ching at Ate Rosalie tungkol sa plano ko at ngayon ko nga ito sisimulan. Sana gumana ito, wala na akong ibang maisip na paraan maliban dito, kinausap nadin ni Ching ang pinsan niyang si Christian, nang una ay ayaw pumayag pero sa pangongonsensya ko ayon napapayag narin namin siya.

"Hoy! Nasaan kana? Kanina pa ako dito sa harap ng bahay ng asawa mo"

"Asawa? Wala ako niyan."

"Tsk. Bilisan mo na, ayaw kong mabangasan ang mukha ko dito. Baka maabutan ako na nandito ni Gerard, Patay ako doon."

"Oo na. Pababa na ako. Yung pinagusapan natin ah ayusin mo."

"K." init ng ulo e hindi pa naman ako late.

Ito nanga iyon, ang naisip kong plano. Bahala na kung effective pero kapag hindi pagkatapos ng ilang Linggo at walang nangyari ititigil kona ang lahat at tanggapin nalang ang katotohanan na hanggang doon nalang talaga kami at ang anak nalang namin ang dahilan ng pagkikita namin araw-araw.

Pagkababa ko ng hagdan ay nakita kong nakaupo na si Christian sa sofa at nakita ko din si Gino na nakaupo sa tapat nito at mukhang nagsusukatan ng tingin ang dalawa. Pero bago paman magkasakitan ang dalawa nagsalita na ako.

"Tara na, Christian. Baka mahuli tayo sa misa"

"Where's my baby Andie"

"Ah, yes. Pababa na siya may kukuhanin lang daw. Oh ayan na pala e"

"Tito Christian, nandito ka po? Sasama po kayo sa aamin ni mama?" masiglang tanong ng anak ko sa kanya. Natawa naman ako sa reaksyon ni Gino dahil sa inasal ng anak niya pagdating kay Christian, samantalang sa kanya lagi itong mataray at nakasimangot.

"Of course, me, your mom and you will go to church."

"Really? I want to go to amusement park too, Tito Christian." Wow. Umi-english ang anak ko.

"Ok, let's" naputol ang sasabihin ni Christian ng sumingit si Gino sa ka nila.

"You want to go to amusement park baby? We can go there without Christian" sabi nito sa anak

"No. Ayaw kitang kasama. I want Tito and mommy only." umalis sa pagkakahawak ni Gino si Andie at pumunta sa akin "Mommy alis na po tayo, mahuhuli na po tayo sa mass" yaya sa akin ng anak ko

"Ok baby. Alis na kami Gino" paalam ko sa kanya

"Wait" tututol pa sana siya ng magsalita si Christian kay hindi na niya natuloy ang sasabihin niya

"We have to go, pre. Mahuhuli na kame" seryoso ang tono pero alam kong nang-aasar lang siya

Tsk. Galing umarte, may pa ayaw ayaw pa siyang nalalaman e mukhang sanay naman siya sa ginagawa niya.

"I can see through his eye the he is still have feelings for you. Why not to confront him instead of doing this, at dinamay mo pa ako. Mapapatay ako ni Gerard nito pag nalaman niyang tinutulungan kita sa kalokohan mo"  pailing iling niyang sabi

"Eh, I tried but he insisted na hindi na maibabalik pa ang dati kaya ito ang pumasok sa isip ko. I'm not 100% sure about this planned but for my Andie I'm willing to do this. Kahit na alam kong sa huli ako din ang masasaktan" naguusap lang kami habang papunta ng simbahan samantalang si Andie ay abala sa paglalaro ng kanyang Barbie na iniregalo sa kanya ng kanyang Daddy.

"Fine. How long? Gaano katagal mo balak pagselosin si Gino?"

"Until I get tired." I sighed

"What if after this wala parin? Ano ng plano mo?" tinignan ko siya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko

HIDDEN DESIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon