FOURTY NINE

65 4 0
                                    


"Mama, look Raide and Lex ginugulo na naman ako dito."

"Andie, anak pagbigyan mo na ang mga kapatid mo. Mga bata pa iyan hindi ka titigilan ng mga iyan kapag hindi mo pinagbigyan sa gusto."

"But mama, I have a lot things to do. Our finals is near so I need to review." kahit kailan talaga napaka grade conscious ng anak ko na ito.

Andie is already high school while our twins, yes twins. Sa taong magkasama kami ni Gino ay biniyayaan kame ng dalawang kambal na anak. First, a boy and a girl. Alexandria and Alexander they are now 11 years old. After years akala ko di na kame magkakaanak ulit pero hindi dahil biniyayaan ulit kame ng kambal na anak. Who is Andieraide and Anitha, 8 years old.

Yes, anim na taon bago kami biyayaan ulit ni Gino ng anak at kambal pa.

"Fine. Ipagpatuloy mo yan anak. Nasaan nga pala ang mga kapatid mo?"

"Who?" tamad na sagot sa akin ng anak ko

"Of course, Alexander and Alexandria."

"Hey! Why did you do that. Look my books is already wet. Gosh!" Nagulat ako ng marinig ko ang sigaw ng anak ko at ang iyak ng bunso namin

"Whaaaaaaaa. Isusumbong kita kay mommy. Bad ka." patuloy lang din sa pagiyak ang mga anak ko at mukhang natakot sa ate nila

"Andie! What are you shouting? What happened to you?" naiinis ko nadin na tanong. Ilang araw na kase siyang ganyan, hinahayaan ko lang dahil alam kong pagod siya sa pag-aaral pero ngayon sumusobra na e. Nakuha na niyang sigawan ang mga kapatid niya.

"Raide and Lex, come to mommy." Sumunod nalang sila sa akin para mailabas ko muna sila at hindi marinig ang panenermon ko sa ate nila. "Anak, labas muna kayo. Punta kayo kina yaya maguusap lang kame ng ate niyo."

"Sige po." nagtakbuhan na sila palabas para doon na muna maglaro

Ako naman ay binalingan na si Andie na ngayon ay nakabusangot ang mukha habang nagpupunas ng libro.

"Ano iyon Andie? Anong problema mo, bakit ka nagkakaganyan? Ilang araw ko ng napapansin ang pagiging bugnutin mo pero hinayaan lang kita dahil alam ko pagod ka sa pag-aaral. Pero ngayon, sumobra kana at maging ang mga kapatid mo ay nakuha mong pag-taasan ng boses"

"Ma wala akong problema. Kanina ko pa kase sila binabawalan pero naglilikot parin kaya ayan nabasa ang libro ko." pabalang na sagot niya

"Kita ko nga. Libro lang yan. Kapatid mo ang mga iyon. Sana ay magpasensya ka nalang dahil mga bata pa sila at puro laro ang nasa isip." medyo napalakas na ang boses ko dahil sa inis ko sakanya.

Nakarinig ako ng busina galing sa labas mukhang nandito na si Gino. " Hi, love" bati niya pagkatapos ay ginawaran niya ako ng halik sa labi

"Lumayo ka sa akin. Kasalanan mo ito e. Kung hindi mo hinayaan ang anak mo na gawin ang gusto kahit na hindi naman dapat ay hindi magkakaganyan yan."

"Ow, what happened? Kadarating ko lang, galit ka agad?"

"Oo. Kausapin mo ang anak mo at sumusobra na" turo ko kay Andie na ngayon ay parang wala lang sakanya na pagalitan siya

"Andie, what happened?" Malumanay na tanong niya sa anak

"Dad, I'm sorry. It's my fault."

"Love, nagsorry na ang anak mo. Patawarin mo na." paglalambing ni Gino sa akin.

"No, gusto kong magtanda yan. Hangga't hindi niya sinasabi sa akin ang problema niya ay hindi ako matatahimik." Sabi ko at tinalikuran na sila.

Sigurado ako ay naguusap na ang dalawa na iyon. Lagi kaseng pinagbibigyan ng ama kaya naging ganyan siya. Kung anon ang gusto nakukuha niya. Pansin ko nga din ay madalas na gabi kung umuwi e.

HIDDEN DESIRE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon