Pagkatapos ng nakakahiyang oras na iyon sa harapan ni Gino ay napagpasyahan ko ng tapusin ang aking paliligo para makapagpahinga dahil maaga pa ako bukas sa trabaho.Mabilis lang ang oras. Hindi ko namalayan na umaga na pala. Nagising lamang ako ng may maramdaman kong gumalaw sa tabi.
Ang inakala ko na ang anak ko ito ay nagkamali ako. Si Gino. Si Gino ang nasa aking katabi. Nakayakap ng mahigpit at nakasabay ang isang binti sa akin.
Pinagmasdan ko lang siya. Pinagmasdan ang kanyang napaka amo niyang mukha. Napakasaya ko, kung araw araw ba naman akong gigising sa umaga na mukha niya agad ang bubungad sa akin.
Iwinaksi ko ang pag-iisip ng marinig ko ang alarm clock na isinet ko. Dali dali kong inabot ito ng hindi nagigising si Gino.
Pagkatapos ay dahan dahan ko namang tinanggal ang brasong nakayakap sa akin pero imbes na matanggal ito ay para mas bumigat pa ito lalo at humigpit sa pagkakayakap sa akin.
"Gino, kailangan ko ng tumayo. May trabaho pa ako."
"Hmmm." ungol lang ang sagot niya
"Ikaw ba? Bakit hindi na kita nakikitang pumapasok sa trabaho?" totoo kase, mula ng dumating kami ay hindi ko na siya nakita ulit pumasok sa trabaho.
"Hmmm. Let's stay like this for a while, Love." he said with his husky voice
"Hindi pwedi. Baka maabutan tayo ng anak natin na ganito. Baka magisip yon ng iba."
"What? Iba? Wala namang iba dito ah, normal lang na ginagawa ito ng mga mag-asawa"
"Yes, it normal with married people but we're not."
"Let's get married, then"
"Gino, ayan kana naman e."
"I'm serious. Ikaw lang ang ayaw maniwala sa akin. Don't worry I'm willing to wait, no matter how long it will take." Pagkatapos sabihin iyon ay bumangon na siya. Pero bago paman niya ako iniwan ay lumapit ulit siya saamin at hinalikan ang noo ko.
Paano kung seryoso naman siya at hindi lang dahil sa anak namin kaya niya ginagawa ito? " Gino" habol ko bago pa man siya makalabas
"What?"
Nagisip muna ako bago sabihin ang gusto kong sabihin, pero sa huli wala din akong nasabi. " Nevermind. Sige puntahan mo na ang anak natin. Maliligo na ako." I said
Tango lang at isang malungkot na ekspresyon lang ang sinagot sa akin.
Nalilito na ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang bigyan ng pagkakataon ang sarili ko para sumaya o hahayaan nalang na ganito nalang kami?
Itinigil ko ang pag-iisip ng napagdesisyunan kong bumaba para makasabay sa agahan.
Tama nga ako. Nadatnan ko ang anak ko at si Gino na nagkukulitan sa kusina habang kumakain. Ang sarap nilang pagmasdan-- pero may parte sa puso ko na naiinggit ako dahil hindi na kami ganon ka lapit ng anak ko mula ng magtrabaho ako.
"Love, breakfast is ready. Let's eat."
"Thank you."
"Baby, do you want hot choco, your favorite?"
"No. I prepare to drink milk. Daddy said milk will help me to grow faster and make me intelligent too." napatingin naman ako agad sakanya pero nakabawi din ako agad
"Ah, yes baby you're right." sagot ko pagkatapos ay binalewala lang ako ng anak ko at humarap na sa ama para kausapin ito
"Daddy, you said after school will go to mall, to buy toys." she demanded
BINABASA MO ANG
HIDDEN DESIRE (COMPLETED)
Romance#1- Clandestine Series Synopsis: Ang pag-ibig ay hindi isang laro na kapag gusto mong manalo ay mananalo kana agad sa isang subok. Minsan ay kailangan molang maghintay nang tamang pagkakaton para masabi mong mananalo kana sa pagkakataong ito. Si Yu...