Chapter 17
Lisa's P.O.V
- Tumawag sa akin si Rosè na wala daw si Jennie sa kanila, nag-alala ako dahil baka ano nangyari haist di ko matiis sa totoo lang kaya agad ako nagpaalam sa Manager at pinayagan na lamang niya ako dahil dapat talaga ginawa ko na lang ang sinabe niya kanina. I'm sorry crush! Don't worry I'll be there ok hahanapin kita.
- Naghanap hanap ako sa kung saan ko siya pwede makita pumunta ako sa burol wala, huling nasa isip ko nasa park siya kung saan niya ako sinugod tama baka andun siya. Nang makarating ako ay may naaninag akong dalawang tao na tila nag-aaway pero nang lapitan ko pa ay kita ko ang mukha ni Jennie hindi ako nagkakamali parang nasasaktan sino kaya ito kaya agad ako nagsalita....- "Bitawan mo siya?!!!!"
- Agad ko siyang sinuntok mabitawan lang niya ang mahal ko. Sa pagsuntok ko agad lumapit si Jennie sa akin nang maaninag niya ako umalis na sya agad marami pa syang sinabe na babawiin niya ang crush ko huh never naman siya naging sayo noh feeling niya, sinaktan nila bebe ko di pwede yun noh!
- Lisa: Je-crush! Ok ka lang ba?
- Jennie: Lisa!! *habang umiiyak*
- Lisa: *niyakap ko na lamang siya*
- Jennie: buti at dumating ka Lisa!! *habang umiiyak*
- Lisa: I'm sorry Jennie, sa nangyari kanina! *hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya*
- Jennie: ok lang! Sorry Lisa ha! Pero please Lisa wag ka ng umiwas sa akin nalulungkot ako pero alam ko namang kasalanan ko eh!! *umiiyak*
- Lisa: shhh! Tama na Jennie! Nakwento na sa akin lahat ni Rosè! Sorry kung agad akong umalis masyado lang akong nasaktan inisip ko lang na hindi mo talaga ako mahal Jennie! *biglang tumingin sa akin*(Insert: Background music 'I'm With You' by Avril Lavigne)
- Jennie: mahal kita Lisa! Mahal na mahal Lisa! *totoo ba narinig ko*
- Lisa: Je-jennie? Tot-totoo ba narinig ko?
- Jennie: oo Lisa! Mahal na kita! Hindi ko alam kailan nagsimula basta umusbong na lang! *hinalikan niya ako*
- Lisa: *kumalas ako sa pagkakahalik* Jennie? Halika may pupuntahan tayo!! *pag-aya ko*
- Jennie: ha eh? Saan banda?
- Lisa: basta honey! *sabay wink at hinila siya patakbo*- Patuloy lamang kami sa pagtakbo, nang makarating kami agad na nagmaneho si Jennie. Ngunit hawak niya ang kamay ko tinuturo ko lamang ang direksyon na tatahakin nameng dalawa.
- Nang makarating kami sa isang highlands na mas mataas ito sa unang pinuntahan namen ni Jennie noon ngunit bigla na lamang umulan ng malakas kaya heto naglilim kami sa isang wooden gazebo.
- Lisa: sorry umulan bigla! *habang hawak ang kamay niya*.
- Jennie: Ok lang dito na lang tayo honey! Upo tayo tara! *pag aya niya nang biglang may tunog sa aming dalawa na kurururok nagtinginan kami at nagtawanan*
- Lisa: di ka pa ba kumain??
- Jennie: hehe oo eh! Ikaw ba?
- Lisa: hehe ako din kahit nagbreak ako kanina hindi ako kumain naalala kasi kita eh! Don't worry may dala ako dito na pagkain!! Tara kain tayo! *sabay labas ng pagkain may soup , burger ,spaghetti at chicken*
- Jennie: Pero honey! Paano ka nga ba nakalabas sa work mo eh o.t ka di ba? *habang kumakain*
- Lisa: ah di ba nung kinausap mo Manager namen na kausapin ako di ako pumayag! Tapos kinausap niya ako about sa pagtanggi ko ,tapos biglang tumawag si Rosè nung breaktime ko eh nag-alala ako agad kasi kanina pa ako nag-iisip sayo eh! Sinabe ko sa Manager kaya pinayagan niya ako di ko alam bakit ang ang lakas mo sa Cafè haha!
- Jennie: *tumawa lang* haha syempre Kim ito eh!
- Lisa: Jennie!
- Jennie: yes why?
- Lisa: I love you honey!
- Jennie: *kinilig* I love you more honey!- Matapos nameng kumain tumigil na rin ang ulan at agad kami pumunta sa may bench doon para pagmasdan ang city lights madaling araw na pero andito pa kaming dalawa ang saya ko lang kasi sa wakas kami na ni Jennie.
