Chapter 44
Lisa's P.O.V
- Isang buwan na kami dito ni Nini,heto na daw ang tamang panahon para bumalik kami sa aming totoong buhay. Handa na rin akong harapin at hanapin ang buhay ko wala man akong alam sa buhay ko dahil sa wala akong maalala sa mga bagay sa buhay ko pero kailangan.
- Nanay: mga Hija? Handa na ba kayo?
- NiLi: Opo Nay! Handa na po kami!
- Nanay: mabuti kung ganon!
- Nini: *niyakap si Nanay* Nay! Maraming salamat po sa lahat sa inyo ni Tatay sa mga turo at pagaalala niyo sa amin hinding hindi ko po kayo makakalimutan balang araw masusuklian ko po ang inyong kabutihang loob ni Tatay hayaan niyo po kapag nakakita na ako dadalaw ho ako rito! Pangako po yan!
- Nanay: wala yun mga anak! Masaya ako na magkaroon ulit ng Anak na maalagaan!
- Nini: Tay! Salamat po sa pagtitiis niyo sa akin! *napangiti ang matanda* at salamat po kahit pasaway kami minsan ni Lili pinagpapasensyahan niyo pa rin kaming dalawa! Kahit pano ho naranasan ko ulit alagaan ng isang Ama! *niyakap ni Jennie ang matanda*
- Tatay: Hija! Wala yun! Ganyan din ang dalawang mga anak ko pasaway din kaya sanay na ako! *sabay tawa niya* Mag-iingat kayo parati ha! Mamimiss ko mga kakulitan niyo!
- Nini: Hehe opo Tay! Kayo rin po ni Nanay!
- Lili: Tay! Maraming salamat din po! Pakiramdam ko po parang ngayon lang ako nakaranas ng pagmamahal ng isang Ama! Tay salamat sa mga turo mo sa akin na dapat ko pang matutunan akala ko nga po alam ko na lahat pero marami pa po pala akong hindi nalalaman salamat po dahil binigay mo sa akin ang mga bagay na yun!
- Tatay: Anak! Bilang isang Ama at Magulang anak man kita o hindi! Dapat at obligasyon yun para matuto ang isang bata o ang iyong anak para malaman nila ang mali at tama. Hindi para sermunan kayo kundi para sabihing papunta pa lang kayo pabalik na kami ,naranasan na namen ang mga dinadanas niyo pa lamang.
- Lili: salamat po Tay! Hindi ko po makakalimutan lahat ng tulong niyo ni Nanay! *sabay yakap*
- Lili: Nay! Salamat din po sa lahat ng mga sakripisyo ni Tatay ha! Sana pag makaalala na ako maalala ko pa rin kayo! Pero hindi mangyayari yun dahil sa kabutihan niyo sa akin sa amin ni Nini maalala ko po yun hehe babalik ho ako rito para pasalamatan kayo at suklian hehe mamimiss ko po luto niyo Nay! *sabay yakap*
- Nanay: wala yun Anak! Napamahal kayo sa akin tinuring ko kayong tunay na anak ko! Dahil natutuwa ako na ang tirahan nameng ito ay nabigyan muli ng buhay dahil sa pagdating niyo naranasan kong muli paano maging Ina at ganon din ang tatay niyo naranasan niyang magkaroon at magalaga uli ng anak! Maraming salamat at dumating kayo sa buhay namen laking pasasalamat ko sa Diyos dahil naramdaman uli namen maging isang magulang! Alam ko may dahilan ang lahat!
- NiLi: Nay! Tay group hug po tayo!! *nagyakapan kaming lahat at nagiyakan dahil sa sandaling panahon na yun ay napasaya namen sina Nanay at Tatay maging kami din napakasarap ng buhay dito sa bukid simple lamang walang problema*.
- Nanay: tara na! Baka mahuli pa tayo! *nagLakad na kami paalis*.
BINABASA MO ANG
My Intense Girlfriend
Ficción GeneralKahit gaano siya ka-intense love ko pa rin siya.
