Chapter 52

279 4 0
                                        

Chapter 52

Nancy's P.O.V
- Nagdedate kami ni Lili, hehe ayaw niya kasi tawagin ko siyang Lisa naasiwa daw siya mas komportable daw siya sa Lili ipinangalan sa kaniya ni Nini. Ang cute ng story nila wag kang mag-alala Jennie, magkikita rin kayo! Tinutulungan ko lang muna si Lisa makabangon muli hindi ako kasi makapaniwala na ganito ang inabot niya.
- Magtiwala ka sa akin Jennie, bukas i-me-meet kita aalamin ko lang muna about sa nangyari pa sa inyo. Para maintindihan ko pa hindi kasi sapat yung nabasa ko sa isang article tsaka gusto kong magamot yung paa niya para pag nagkita na kayo buo na ulit si Lisa gusto ko lang kayong tulungan mahal ko si Lisa noon pa ,pero mas sasaya siya sayo at alam ko yung pagmamahal mo ang gusto niya.
- Masaya ako para sa inyo Jennie and Lisa,sana wag niyo ako kalimutan pag dating ng araw magkapamilya man kayo Ninang ako ha! Gusto ko kayo maging kaibigan si Lisa lang din kasi una ko naging kaibigan noon. Sa right time JenLisa :-)

Jennie's P.O.V
- Andito ako ngayon sa Cafè ko,namimiss ko si Lisa kapag nagseserved siya dito lagi ko siya pinagmamasdan kapag nagtatrabaho gustong gusto niya ang ginagawa niya dun ako natuto sa kaniya na kahit ano pa yan ay dapat pahalagahan at pakamahalin para hindi mo ramdam ang pagod at hirap ng isang trabaho and ganon nga ginagawa ko ngayon tama siya and kahit napakalaking company namen hindi ko ramdam ang stress basta gusto mo ginagawa mo parang madali na lang sayo yun.
- Nakadungaw ako sa glass window nang may mapansin akong dalawang tao na naglalakad yung isang babae parang familiar parang si Nancy, kapangalan niya yung i-memeet ko bukas. Tapos yung kasama niyang matangkad na babae nakamask tapos nakasweater sino kaya yun baka gf niya o kaya kaibigan pero they're linkin' arms baka nga gf niya.
- Ngayon ko lang siya nakita ulit huli na nung nag-uusap sila noon ni Lisa, na oo nagseselos ako kasi di na niya ako pinapansin at kinakausap kahit sinisindak ko miss ko na siyang sindakin ,Lisa sana makita na kita miss na miss na kita alam mo ba yun? "Lili lili lili lili" haaay nakakainis ka talaga kahit kailan nagkita na nga tayo tapos na amnesia ka pa baliw ka talaga Lisa kahit kailan aaaarrrrgh.

Rose's P.O.V
- Kasama ko ngayon si Jisoo at Jennie sa Meow Cafè niya, nakadungaw lang siya sa bintana at alam ko naman nasa isip niya si Lisa o Lili hehe. Napansin niya si Nancy si Mama Mary ang ganda niya hehe may kasamang matangkad na nakahoodie at nakamask gf niya siguro andito na pala siya kasi hindi din siya nagtagal sa JKU dun na niya pinagpatuloy ang pag-aaral niya doon sa U.S
- Jisoo: guys! Miss ko na kapatid ko!
- Rosè: sino namang hindi makakamiss kay pokpak!
- Jennie: Sana mahanap na natin siya! San naman kaya lupalop siya naroon at ang hirap niyang hagilapin!?
- Jisoo: what if kung andun siya sa farm bumalik ulit kina Nanay at Tatay niyo Panying at Pasing!
- Jennie: kung bumalik dun di nagtext na si Nayeon!
- Rosè: oo nga naman! Chu ikaw talaga!
- Jisoo: haha sorry naman!

Jisoo's P.O.V
- San naman kaya nagpunta itong Pokpak na ito kay hirap hanapin. Hirap talaga pag na-amnesia babatukan ko yun pag nakita ko para makaalala ang amp haay Lisa o Lili ka man ngayon. Kita ko sa mata ni Jennie ang lungkot dahil andun na nga sa kaniya nawala pa kung di nga lang daw siya bulag non matagal na niyang kasama. Haaay nagkasalisi pa ang dalawang ito pero magkakatagpo rin naman sila di ba author?
- Author: oo naman JenLisa lang malakas!
- Me: yun oh! *bigla akong niyugyog ni baby girl chipmunk*
- Rosè: problema mo? Sino kausap mo?
- Me: ah eh hehe! Kausap ko lang yung isip ko!
- Jennie: hahahaha Chu ah baka ano na yan?!
- Me: uy di ah! *grabe inisip pa nila akong may problema sa utak*.

- Mag gagabi na kaya nagdecide na kaming umuwing tatlo. Nakasakay na ako sa kotse ni Chae at si Jennie naman ay sa sarili niya hahatid nila akong dalawa sabay kasi uuwi yung dalawa hehe syempre dapat magkasama sila ayuko may masamang mangyari sa kanila eh. Siyempre baka ako pa awayin ng kapatid ko pag may masamang mangyari sa love niya hehe kasi soon to be my sister in law eh.

My Intense GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon