Chapter 36
Jisoo's P.O.V
- Nahuli na si Kai, dahil may nag-tip sa kanila kung saan ito ngunit wala dun si Jennie, inisip namen baka nakatakas na ito sana ligtas ka Jennie masaya kami ngunit si Lisa na lang ang di pa.
- Ngunit ilang oras pa ay sumuko na ang babaeng dumukot kay Lisa, kaya mas lalo pa kaming nabuhayan ngunit sinabe ng dumukot sa kaniya nakatakas itong si Lisa,ngunit sum abog ang sinasakyan niya patay na si Lisa.
- PATAY NA SI LISA
- PATAY NA SI LISA
- PATAY NA SI LISA
- PATAY NA SI LISA- Yan lamang ang nasa utak ko,humagulgol ako sa pagiyak,ganon din ang aking magulang inalalayan ako ni Rosè kahit maging siya ay umiiyak kawawang inalalayan ni Jeongyeon ang Parents namen ganon din Parents ni Jennie umiiyak din labis ang pagyakap ni Mama at Papa na halos mapaupo na sa sahig.
- Hindi ako makapaniwala na sa loob ng dalawang taon kung kelan nahanap sila namatay si Lisa ngunit si Jennie hindi rin namen alam kung nasaan siya ? Nakakalungkot ang sakit sakit ang dating ngiti ay ngayon nabalutan ng hinagpis.
- Wala na yung kapatid ko, ano na'ng gagawin ko wala na akong partners in crime, wala na yung inosente at masiyahing Lisa. Wala na wala na yung lil sis ko paano ko pa siya mayayakap kong wala na siya ang hirap namang mawalan ng taong mahalaga sa buhay mo lalo na at kapatid mo pa.Rosè's P.O.V
- Nang malaman nameng nakatakas si Jennie, kay Lisa naman ang aming hinihintay dahil magkasunod na nahuli ang isa ay kusang sumuko. Sa pagbalita sa amin ng mga pulis, sumabog ang sinasakyan ni Lisa dahil tumakas ito pinatakas siya ng kapatid ng dumukot na si Tzuyu. Ngunit di inaasahan dahil bago ito sumabog ay nakasalubong pa ito ng sasakyan dahilan para mabundol muli at mahulog sa mga palayan.
- Hindi ako makapaniwala niyakap ko lamang si Jisoo dahil maging siya ay di makapaniwala dahil kapatid siya,sina Tita at Tito ay halos mapaupo inalalayan ng parents ni Jennie ang parents ni Lisa. Kawawang pinapatahan ni Jeongyeon sina Tita at Tito si Jisoo halos tulala na habang pinagmamasdan ang magulang.
- Nagaalala ako para kay Jennie, kung malaman niyang wala na si Lisa. Mas masakit ito para sa kaniya grabe naman ang pangyayaring ito sa buhay namen napakalaking dagok ito sa amin nagsisimula pa lamang kami sa buhay ngunit heto puno agad ng pagsubok. Hindi na naranasan ni Jennie at Lisa ang magraduate na dapat ay mapopromote na silang magkapatid ngunit wala na.
- Kung nasan ka man Lisa! Sana maging masaya ka,tulungan mo kaming mahanap si Jennie,ikaw na mag guide sa kaniya pabalik muli sa amin. Lisa salamat sa lahat ng alaala wag kang magalala gagawin namen lahat mahanap ang taong pinakamamahal mo. Mahal na mahal ka namen Lisa.Jennie's P.O.V
- Ilang oras ang aming naging biyahe, ngayon ay dumaong na ang barko sa pantalan. Ginising ako ni Taehyung para kami ay lumabas na 3am na daw ng madaling araw. Agad akong hinila ni Taehyung palabas ngunit may nakakita sa amin na hindi ko alam kung sino kaya tumakbo kami ni Taehyung alalay lamang sa akin si Taehyung tinignan niya kung sino ang mga ito mga tauhan daw ni Kai. Tumakbo kami nang tumakbo nang magsalita si Taehyung.
- Taehyung: shit kala ko nahuli na sila! Bakit may mga tauhan pa!?
- Me: anong sinabe mo?
- Taehyung: sinumbong ko sa otoridad ang resort kung saan si Kai!!
- Me: pero bakit may tauhan pa?
- Taehyung: ang alam ko meron pa syang galamay!! *takbo lang kami ng takbo*.
- Taehyung: Jennie ganito tumakas ka na ok! Magpapahabol ako sa kanila ililigaw ko sila! Jennie mag-iingat ka! Heto tungkod gamitin mo yan matibay ito ipamukpok mo pag alam mong kalaban ok?
- Me: taehyung! Magiingat ka!! Saan ba tayo?
- Taehyung: nasa quezon province tayo nakarating!! Andito tayo ngayon sa may bukid napadpad!! Sige na Jennie, para makabalik ka na sa inyo!
- Me: salamat taehyung utang ko sayo ito!! *niyakap ko siya*.
- Taehyung: wala yun Jennie!! Salamat din at nakilala kita!! Hanggang sa muli!! Magiingat ka!! Aalis na ako! *umalis na siya*

BINABASA MO ANG
My Intense Girlfriend
Ficción GeneralKahit gaano siya ka-intense love ko pa rin siya.