Chapter 45
Jennie's P.O.V
- Heto na ang araw na babalik na ako sa pamilya ko at kay Lisa makakita lamang ako hahanapin ko siya. Hindi ko makalimutan yung gabing malakas ang ulan tapos hinalikan ko na lang siya ng walang ano ano alam ko nagulat siya dahil hindi siya agad tumugon pero tinuloy din niya. Ramdam ko na parang labi ni Lisa yung hinalikan ko minsan napapahawak na lamang ako sa labi ko napapangiti.
- Kahit hahatid kami nila Nanay at Tatay nagpaalam na kami dito sa kanila. Naiyak ako dahil minahal ko itong lugar na ito andaming nangyari dito sa lugar nito hindi ko makakalimutan lalo na yung kasama ko si Lili bumuo ng mga alaala na yun. Babalik ako dito kung mahanap ko si Lisa dadalhin ko siya dito pero maalala ko si Lili sana makaalala na si Lili para pagbalik namen sa Manila maalala na niya kung saan man siya sa totoo lang nagaalala ako for her paano ang magiging buhay niya pag balik niya pero pag di niya mahanap tutulungan ko siya pangako Lili.
- Nakasakay na kami ng jeep hawak ni Lili kamay ko maraming laman ang jeep sina Nanay at Tatay nasa harap ng jeep kami naman ni Lili nasa tuktok ng jeep natatakot ako baka mahulog pero nang hawakan niya ako alam ko di niya ako hahayaang mahulog and I feel safe na. Nakaakbay pa nga siya sa akin eh kaya nakayakap lang din ako sa kaniya pero bago umandar ang jeep isinuot niya sa akin ang tingin ko ay isang sweater.
- Ilang oras din ang aming nilakbay hanggang makarating kami sa paradahan ng bus patungong Manila. Nang makababa na kami mula sa jeep agad naman nameng tinungo ang bus inalalayan lang ako ni Lili hanggang sa makasakay ako si Nanay at Tatay ang magkatabi and syempre kami pa rin ang katabi ni Lili nasa may bintana ako hawak pa rin niya ang kamay ko agad ding umalis ang bus. Ramdam ko ang hangin na dumadampi sa mukha ko hindi ko man nakikita pero ramdam ko na ,papalapit na rin ako sa buhay na matagal nawalay sa akin.
- Tahimik lang ang byahe namen kanina kahit hanggang ngayon tahimik lang. Kahit di ko nakikita si Lili pero pakiramdam ko nakatingin siya sa akin the whole time. Hindi ko namalayan na napasandal na ako ng ulo sa balikat ni Lili hinaplos niya ang mukha ko napangiti na lamang ako napahawak ako sa braso niya habang hawak ang left hand ko.
- Ilang oras pa ang lumipas nakarating na kami sa Manila. Dinig ko na ang ingay ng mga sasakyan mga boses ng iba't ibang tao ibang iba kesa sa province tahimik at sariwa ang hangin masasabe mo talagang nasa City ka na.
- Nanay: Nini Anak! Sabihin mo sa pamilya mo na sunduin tayo o tayo na lang ang pupunta! Alala mo pa ba ang number nila?
- Nini: sa landline ni Dad memorize ko pa! Sa iba hindi na po!
- Tatay: hali kayo hanap tayo ng matatawagan!
- Lili: sige po! Tara na Nini! *nakaalalay lamang sa akin si Lili*- Sa paglalakad namen ay nakahanap si Lili ng payphone.
- Lili: ayun po! Tara na po dun!
- Nini: sige po tara na tay! Nay! *naglakad papalapit sa payphone*
- Tatay: *binayaran ang telepono* Nini anak sige na tawagan mo na!
- Nini: sige po Tay! *Nilapit ako ni Lili sa payphone si Lili ang nagtype habang hawak ko ang telephone ... Hindi ko inaasahang nagring kaya napafacepalm ako*
- Nini: nag ring siya!!
- Nanay: talaga! *kaya hinayaan na ako sa telepono*.- Di nagtagal ay sinagot na.
~On the Phone~
- ????: Hello sino ito?
- Jennie: daddy ako ito si Jennie!! *lumuha*
- ????: Je-jennie? Anak ikaw ba ito? Anak asan ka pupuntahan kita?!!! *dinig ko ang boses ni Daddy na mas lalo ako napaiyak*.
- Jennie: daddy andito ako sa terminal ng mga bus!! Daddy sunduin mo ako!!
- ????: sige anak darating ako dyan hintayin mo ako anak! Salamat sa Diyos! *binaba na ang telepono*
- Lili: ano sabe Nini? *napayakap lang ako kay Lili*
- Nini: Lili! Susunduin ako nila Daddy!
- Nanay: Anak masaya kami para sayo!! *niyakap ko si Nanay*
- Tatay: anak magpagamot ka ha! Para di ka mahirapang mahanap si Lisa! *napangiti ako*
- Nini: opo tatay pangako po!
- Lili: Nini! Nay! Tay! Aalis na ho ako! Mauuna na po ako kailangan ko pa pong hanapin ang tungkol sa akin!
- Nini: ha? Aalis ka na! Gusto kita pakilala kina Mommy at daddy!
- Lili: hi-hindi na Nini! Kailangan ko ng magmadali!
- Nini: Pero Lili! Tutulungan kita baka matulungan ka nila Daddy!
- Lili: hindi na Nini kaya ko na ito! Nini magingat ka na lang ha! Alagaan mo sarili mo! Sabihin mo kay Lisa na ang swerte niya sayo! Masaya ako na nakilala kita Nini! *lumuluha na naman ako* Hindi kita makakalimutan!
- Nini: Lili naman eh! Hindi na ba kita mapipigilan?
- Lili: hindi na Nini! Sige paalam Nini hanggang sa muli nating pagkikita!
- Lili: Nay! Tay! Kayo na po bahala kay Nini! Magingat po kayong lahat mahal na mahal ko po kayo!- Nagpaalam siya ngunit bago yun humalik siya sa noo ko at niyakap. Nang makaalis na siya ay hindi ko na pinigilan ang hagulgol hindi ko alam kong bakit pero ang sakit pakiramdam ko parang sakit ito na naramdaman ko nung nalaman kong wala na si Lisa.
- Inaalalayan ako ni Nanay dahil halos mapaupo ako sa pag-iyak ngayon pa lang ay namimiss ko na siya alam ko minahal ko si Lili,balang araw hahanpin kita Lili pagnahanap ko si Lisa at napatunayan kong wala na siya. Gusto kitang hanapin balang araw Lili masaya din akong nakilala kita Lili sa kabila ng pinagdaanan ko ikaw yung kapalit ng mga mapapait at masasakit na alaala ko ikaw yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko Lili hahanapin ka ni Nini.

BINABASA MO ANG
My Intense Girlfriend
Ficción GeneralKahit gaano siya ka-intense love ko pa rin siya.