CHAPTER TWENTY-EIGHT

258 8 0
                                    

Chapter Twenty-eight

MABILIS akong pumara ng tricycle pauwi sa bahay nila auntie, maybe this time she already knows what happened. Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Why is that I experienced consecutive unluckiness this week?

Tama nga ako nang inisip na alam na ni auntie ang nangyari dahil ang malungkot niyang mukha ang sumalubong sa akin, agad ko siyang sinugod ng yakap.

"Auntie, si Mama," I sobs, "She needs to be cured."

"Kakatawag lang ni kuya, nasa isang hospital sila sa Tanilay, bigla nalang daw kasing inatake at nahimatay si ate Evelyn kanina habang nagbabantay sa kaniyang paninda," she said in a very weak tone.

"Bakit ganun auntie? May sakit ba si Mama?"

Iginiya muna ni auntie ang sofa at sinabihan akong umupo muna.

"Kuya ended the call because the doctor called him. Kumalma ka Amethyst, maya maya ay tatawag yun si kuya para ipaalam sa atin ang resulta,"she explained.

Pinilit kong kumalma pero ang bigat parin ng dibdib ko. Auntie left me for a while to make some phone calls, while I remained here at the sofa, sitting silently, if others saw me, they might think that I'm too peaceful here but deep inside, I'm shaking, questioning myself why, why I need to experience this some kind of hell? And why my family? Ako nalang sana, huwag na sila.

Tumayo ako at isinukbit ng mabilisan iyong bag sa balikat ko.

"May pupuntahan lang ako saglit auntie,"

I directly walked away, hindi naman ganun kalayo ang pupuntahan ko kaya linakad ko nalang iyon. Ang daming gumugulo sa isipan ko kaya kailangan kong pumunta sa isang lugar na puwede kong hingahan.

I breath heavily before I stepped in at the church, I glanced up at Jesus sculpture, ang iskulptura ni Hesus kung saan nakapako siya sa krus. Agad akong dumiretso sa isang upuan at lumuhod, I know that this is the only place that can save me right now. Ang diyos lang ang kauna-unahang kaya kang pakinggan sa bawat hinaing mo sa araw-araw.

I closed my eyes and feel the ambiance of talking to Jesus Christ in this holy place of us.

Panginoon ko, I know I'm not perfect and forgive me for I have sins. Wala akong karapatang humingi ng kung ano-ano sa inyo pero kahit ngayon lang po, nagmamakaawa ako, pagalingin nyo po ang Mama ko, I love her very much and I can't afford to lose her or anyone from the persons I love. Hindi ko alam kung bakit ko nararanasan lahat ng ito, hindi ko kayo sinisisi dahil tao lang ako at wala akong karapatang kwestyunin kayo. Because I know everything happens for a reason but please Lord, sa lahat ng nangyari sakin kahit si Mama nalang ang maisalba. I'm asking for your guidance Lord, I don't know what to do anymore please, give me signs. Tulungan niyo po ako diyos ko, Amen.

I didn't notice that my eyes let out a tears while I'm praying. I wiped away the tears before I decided to go back to auntie.

Auntie is gasping for air when she came near me and my fast goosebumps started again.

"Amethyst! You need to know the result."

Tumulong muli ang luha ko nang malaman ang resulta. My mother is now suffering from stage 3 breast cancer and she needs and operations asap. Ang sabi ni auntie ay nagpadala na siya ng pera na pang down para sa operasyon.

"Pero hindi namin maintindihan Amethyst, all the hospitals in province that are capable of her operation aren't accepting them! Sinubukan ko na ring tawagan ng ibang mga hospital dito sa Maynila pero nang malaman nila ang pangalan ng pasyente ay humindi sila bigla, bakit ayaw tanggapin ng mga hospital sina Kuya?!"she exclaimed, frustrated.

Napapikit na rin ako sa magkahalong emosyon, sakit, lungkot, galit at poot.

My phone rang for an unknown caller so I excused my self for a while to answer whoever my caller is.

"Hello?" I answered.

"Hi Amethyst dear," I got nervous when I remembered that woman's voice. Mabilis akong dumaan sa likod ng bahay para makalayo kay auntie.

"D-donya Z-zafeyah?" I asked in an obvious tone.

She laughed evily that made me filled with irritation.

"Ano pong kailangan niyo?" I hissed.

"Uh no, ikaw ang may kailangan sa akin,"

Napakunot ang noo ko, "What do you mean?"

"Saka ko na ipapaliwanag, I'll text you the address, meet me now."

"And what if I won't?"

She laughed evily once again and I felt it weird and creepy.

"You'll lose the chance if you won't" she then ended the call.

Saglit akong napatulala pagkatapos ay parang naalala ang naisip kahapon. Unti unti ay parang luminaw ang kahapong sobrang labo pa sa akin. I remembered how rich they are and what money and power can do.

Oh damn!

Huminga ako ng malalim at napagdesisyonang balikan si auntie, only to got shocked when she's already infront of me, giving me a stare that asking me.

"Sino iyong kausap mo?"

"Auntie," I called.

"Sino iyon Amethyst?"

I ignored her question and directly go back to the living room entrance. I grabbed my bag before turning again to auntie who's following me.

"Ikaw na muna kumausap kay papa auntie, may pupuntahan lang akong importante."

"Saan ka pupunta? Doon sa kausap mo?"muli niyang tanong.

"Auntie please, mamaya ko na ipapaliwanag."

Lalabas na sana ako pero agad naman siyang pumunta sa harapan ko para harangan ako.

"Hanggat hindi mo sakin sinasabi kong sino ang kausap mo, di ka makaalis rito."she declared. "Hindi ko kayang pati ikaw ay mapahamak Amethyst."

Mariin akong pumikit pagkatapos ay napagdesisyonang sabihin nalang kay auntie ang totoo. But after that, she remained serious and stopping me to go.

"Please auntie, I need to talk to her,"

"Paano kung may gawin siyang masama sayo?"she hissed.

"Kaya ko to, believe me auntie. Gusto ko ring malinawan lahat ng mga bagay na hanggang ngayon ay walang kasiguraduhan,"

She breath heavily that made me calmed because I know this time, she'll let me.

"I trust you Amethyst, please go home safe," she said finally.

"I will, I'll go now auntie,"

****

 My Zac Monteverdi [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon