Chapter Thirty-Four
"AMETHYST?" napakalas ako sa pagkakayakap ko kay Jorico at hinanap ang may-ari ng boses na iyon.
I was stunned when I saw Ivy standing just near at us. Her shoulders slowly dropped and when I eyed her, I saw disgust on it.
"I can't believe this!" she shouted then walked away.
Agad ko siyang sinundan dahil alam kong mali ang pagkakaintindi niya sa kaniyang nakita.
"Ivy, teka lang!" tawag ko pero di parin siya umimik.
Tuloy tuloy parin ang lakad niya hanggang sa napahinto siya sa tapat ng kotse niya, she then opened the door.
"Ivy naman eh! It's not what you think!"
"Get in," she demanded in a hard tone.
Hindi nalang ako umangal pa at pumasok nalang, after she glided inside, she started to drive.
Inilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Marianne, mabuti nalang at sinagot niya naman kaagad.
"Oh Amygirl? Where are you?"
"Uhm, Marianne puwede ka ba pumalit muna diyan sa akin? May pupuntahan kasi ako, emergency, please."
"Ha? Ah oo sige, I can manage." she said before I ended the call, mabuti nalang talaga at all round tong si Marianne at puwede siya sa kahit anong trabaho sa mall.
"Ivy," banggit ko pero ayaw parin niyang umimik kaya nanahimik nalang din ako.
She stopped the car and park it under the tall narra tree. Nang lumabas kami ay matatanaw namin sa di kalayuan ang ilog.
"Follow me," she demanded again and I nod once again.
Nang makarating kami sa baybayin ng ilog ay hinarap niya ako nang may nagtatanong na mga mata.
"So that's it? Kaya mo iniwan si Zac at umalis ng Maynila nang di ko alam ay dahil sa lalaking iyon? Wow Amy ha, ang bilis mo namang makahanap ng iba!" she exclaimed.
"Mali kasi ang pagkakaintindi mo sa nakita mo Ivy,"
"Anong mali? You two are hugging each other at umiiyak ka pa. Ano sinaktan ka na agad? Ha?"
Tears escaped from my eyes, "He was just there to comfort me, hindi mo pa nga alam ang buong istorya ay hinuhusgahan mo na agad ako."
"Because you lied right? You pretended that you have amnesia just to what? To leave Zac and be with that man? So tell me now, how can I believe you?"
Nanuyo ang lalamunan ko, alam na pala nila na nagpanggap ako. Kaya pala ganoon nalang ang galit na nakikita ko sa mga mata ni Zac.
"At anong comfort? Bakit ka ba kasi umiiyak?"
Muling bumalik sa ala-ala ko ang imahe ni Zac na hinahalikan iyong bago niya, sumikip ulit ang dibdib ko at tumulong muli ang luha sa mga mata ko.
"Hanggang ngayon ay si Zac parin ang mahal ko Ivy, hindi kailanman nawala iyon. Kanina, he's here, and it hurt so much seeing him kissing another woman. Hindi ko na napigilan kanina ang sarili kong umiyak, nagkataon lang na si Jorico ang nandoon kaya siya ang nasandalan ko, believe me Ivy, I never love another man, it's just Zac, it's always him."
She came closer and hugged me tightly, "I'm sorry bes, ako dapat ang nandoon para yakapin ka. I am really sorry."
I hugged her also tightly as tears are keep on falling.
"But there's only one thing I want to know, Amethyst," she said afterwards.
"I want to know the reasons why you lied,"
________
Zacarius Denver Monteverdi
"FUCK you dude!" natumba ako sa isang malakas na suntok na tumama sa mukha ko.
"Ano ba!" rinig kong sigaw ni Luella.
"Anong problema mo?" Iritadong angil ko.
"Ikaw anong problema mo? I saw you, you kissed that woman!" she pointed out Luella. "And Amethyst saw it,"
"What now Kevin? I'm his fiancee!" Si Luella.
Im fumming mad at myself, akala ko hindi ko na siya mahal, akala ko nakalimutan ko na siya pero nagkamali ako. When I saw her again after three months, I realized that I'm still into her.
"Magsalita ka Zac!"
"Oo na, mali na ako! I only did it to make her jealous okay?"
He smirked, "Gago talaga!"
Ginawa ko iyon para takpan ang pangungulila ko sa kaniya, I only act like I didn't care about her anymore. But I know I'm just lying to myself, oo, galit ako sa kaniya dahil nagsinungaling siya. I played many girls but I never bedded all of them, even Luella. Because every time I'll tried to move, Amethyst face would always flashed on my mind.
And when I saw her again, nangibabaw parin ang pagmamahal ko sa kaniya kahit na nagbitaw ako ng masasakit na salita.
Napasandal ako sa likuran ng kotse ko at hinimas ang ilong ko, mahapdi iyong tama ni Kevin sakin pero mas masakit parin ang puso ko.
Sinadya kong halikan si Luella to distract her talking to a man, to make her jealous. But when I saw her hugging tightly with that man, my blood boil and jealousy consumed me.
Kumalma si Kevin matapos ang ilang minuto, hindi ako galit sa kaniya kasi deserve ko yun.
Humanap kami ng mapagtambayan at napunta kami sa isang waiting shed na walang katao-tao.
Luella was very silent the whole time, she looked away every time I'll looked at her, I know she understand me. She's my friend and she knows about my past with Amethyst.
Hindi pa nga ako nakakabawi sa suntok ni Kevin ay bigla namang sumulpot si Ivy at binigyan ako ng isang malakas na sampal.
"How dare you kissed that woman in front of Amethyst?"
Agad na tumayo si Luella at pumunta sa harapan ko para siguro harangan ako.
"Teka nga? Kanina pa kayo ha, I'm Zac's fiancee at kung halikan niya man ako, labas na kayo dun!" Luella exclaimed.
"Oh please bitch, pakihanap ng paki ko!"
"Stop this Ivy," I softly said, "She left me first!"
She laughed sarcastically, "Napakaputangina mo Zac! As in, 200.99 percent!" Kevin calmed her but she's too angry. "If only you'll know her reasons why she left you, you'll regret this!"
I got stunned at her words, "What do you mean? A-anong r-rason niya?" Kinakabahan kong tanong.
"And why would I answer you? Alamin mo!" She then turned her gazed at Kevin, "Tara na!"
"Babe,"
"Kean Vincent, sasama ka o iiwan kita rito kasama yang gago mong kaibigan?"
Agad na kumilos si Kevin, liningon niya ako at kumaway bilang pagpapaalam.
"Una na kami ha, sorry nakadalawa ka tuloy,"
Bumalik si Ivy at hinila si Kevin hanggang sa unti-unti na silang nawala sa paningin ko.
I remained silent and my system filled with doubts, she what? She has reasons why she pretended? If that so, what's her reasons?
Ganoon ba kabigat ang rason niya at nagawa niyang magsinungaling, ano ba ang rason niya at nakaya niya akong saktan at iwan? Are your reasons enough to not choose to stay and love me?
****
AUTHOR'S NOTE: UPDATE NA ULIT! SANA NATAPOS NIYO NA MGA MODULES NIYO BAGO KAYO NAGBASA HEHE. ANWAYS, IF YOU WANT TO INTERACT WITH ME. JUST ADD ME ON MY WRITING PURPOSES ACCOUNT- Sweethaced Wp
LOVELOTS!❤
BINABASA MO ANG
My Zac Monteverdi [COMPLETED]
CasualeSi Amethyst Yumy Martin ay isang babaeng hindi anak ng mayaman, she took all the chances just to passed the scholarship examination. At nang makapasa ay lumayag na ng Maynila para doon na mag-aral ng kolehiyo. Then she met the man she hated the most...