1' Kagubatan

282 5 2
                                    

Kagubatan
-----•O•-----

Kagubatang mayaman sa likas na yaman,
Ang kahalagaha'y maikintal sa isipan;
Gubat na sagana sa hayop at kakahuyan,
Upang sa sangkatauhan ay pakinabang.
Bawat nilikha ay may sariling dahilan,
At sa kanilang pagsibol hatid ay kaalaman.
Tiyak na lunan ng ligaw na hayop, halaman;
Ating lukbutan ng pambihirang kagamitan,
Na sa tao ay regalo ng tanging Maylalang.

Kagamitang muwebles sila'ng pinagkunan,
At sa kanya ginawa unang naging tahanan.
Gumagamit tayo ng anumang kasangkapan,
Unang kayamanan na sa atin ay inilaan.
Bagay na dakila na hindi matutumbasan,
Ang ating pagkalinga 'di halos matugunan.
Tayong walang tigil ito'y pagsamantalahan,
At 'di madili-dili kalbuhin ang kagubatan;
Na sa huli ang pagsisisi pa rin ay sa kalikasan.

____________________

Repleksyon? Hmm, hindi ko alam kung may ganitong uri ng tula, kauna-unang ito sa aking mga nalikha ang mabuo sa siyam na taludtod.

Hustisya? Hehe, pasensya na mukhang hindi ko ma-ellaborate nang husto ang paksa.

-----•O•-----

Kagubatan
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJackson

Salamat sa pagbabasa💕

Inang Kalikasan II || KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon