Dawagan
-----•O•-----Mayabong at masukal ang gubat,
Dawagan ay tahanan ng maiilap.
Sa Silong ng damo't kakahuyan,
Sa bagong umaga ay nakaabang.Mahalagang tunay, sa ati'y hindi.
Kaya 'di pansin, sa ati'y 'lang silbi.
Sa ibon, sa leon, sa ahas, sa tigre.
Ang mga ito'y dito nga nananatili.Maingat ka sa iyong mga landas,
H'wag padalos-dalos ng wagas.
'Di mo kabisado ang kakahuyan,
Baka mapunta, paa sa dawagan.
____________________Dawagan
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJacksonSalamat sa pagbabasa💕

BINABASA MO ANG
Inang Kalikasan II || Kagubatan
Poetry#completed Bilang regalo ko sa aking sarili mula sa tagumpay na nakamit ng unang aklat ang, "Inang Kalikasan" na agad ngang tinangkilik siyang kauna-unang akda ko na nakakuha ng mahigit isang libong reads sa loob lamang ng tatlong buwan, kaya gagawa...