Sa Kisap-mata
-----•O•-----Na ngayon ay nasilayan,
Ngunit parang usok sa kawalan.
Mula ng iyong tingnan,
Naglahong parang kailan lang.Panahong kay bilis lumipas,
Nagsimula at bukas ang wakas.
Sa isang kisap-mata'y naparam
Na tila 'di alam ang dahilan.Bakal na kamay siyang gamit,
Upang ang lahat ay masungkit.
Tagumpay nga ang siyang nakamit,
Ngunit baligtad ang sinapit.Kisap-mata lang ng mahayag,
Ito'y ano bang ipinahahayag?
Magsiyasat, paningin ay ikalat,
Nang malaman mo ang nagaganap.Umunlad man ang bawat panahon,
Ito ma'y sa kagustuhan umayon.
Bahagi ng mundo ang naghihirap,
Kalikasan, mga hayop, ang gubat!
____________________-----•O•-----
Sa Kisap-mata
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJacksonSalamat sa pagbabasa💕
BINABASA MO ANG
Inang Kalikasan II || Kagubatan
Poésie#completed Bilang regalo ko sa aking sarili mula sa tagumpay na nakamit ng unang aklat ang, "Inang Kalikasan" na agad ngang tinangkilik siyang kauna-unang akda ko na nakakuha ng mahigit isang libong reads sa loob lamang ng tatlong buwan, kaya gagawa...