Kagamit-gamit
-----•O•-----Lahat may pakinabang,
Ang lahat may kaukulan.
Ang anomang bagay sa
Parang matatagpuan.Punong nagtataasan,
Troso ang kahahantungan.
Muwebles at iba pa
Makukuha sa kagubatan.Malagong kakahuyan,
Ay isa ngang kayamanan.
Bagay na mahalaga
Kailangang pahalagahan.Sangang may kaliitan,
Sa mga ibon ay tuntungan.
Magagamit sa kusina
Sa pagluto ng kani't ulam.Pamilyar na halaman,
Sa atin pa rin ay kagalingan.
Herbal na medisina
Sakit ay matuldukan.Namuhay sa katahimikan,
Maiilap sa parang.
Dakong kagamit-gamit na
Sa hayop, sangkatauhan.
____________________-----•O•-----
Kagamit-gamit
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJacksonSalamat sa pagbabasa💕
BINABASA MO ANG
Inang Kalikasan II || Kagubatan
Poetry#completed Bilang regalo ko sa aking sarili mula sa tagumpay na nakamit ng unang aklat ang, "Inang Kalikasan" na agad ngang tinangkilik siyang kauna-unang akda ko na nakakuha ng mahigit isang libong reads sa loob lamang ng tatlong buwan, kaya gagawa...