Kasalukuyang Larawan
-----•O•-----Kupas na larawan
Nitong kasalukuyan,
Tila ang kinabukasan
Ay mapaparam.Kulay na kumipas,
Sa tingkad ay wala nga.
Anumang luntian
Ay 'di na makikita.Usok sa natutupok
Sa gitna ng bundok.
Malabong imahen,
Guni-guni ng kawalan.Ganda'y masisilayan
Paano makakamtan?
Ito na ang larawan
Ng ating kasalukuyan.Matataas na gusali,
Maraming sasakyan.
Dagitab sa kung saan,
Maliwanag na sa daan.Ngunit ngayon nasaan,
Nitong pakinabang?
Maraming nagkakasakit,
Nangyayaring malimit.Sa dumi ng hangin
Sa araw-araw, nalalanghap,
Bagay na ikasasama
Sa ating sistema.Maibabalik pa kaya
Ang talagang lipas na?
Sa larawang nasilayan
Ito bang hangganan?Magkapit-bisig!
Gawing may pag-ibig
Baguhin ang larawang
Masama ang hantungan.
____________________-----•O•-----
Kasalukuyang Larawan
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJacksonSalamat sa pagbabasa💕
BINABASA MO ANG
Inang Kalikasan II || Kagubatan
Poetry#completed Bilang regalo ko sa aking sarili mula sa tagumpay na nakamit ng unang aklat ang, "Inang Kalikasan" na agad ngang tinangkilik siyang kauna-unang akda ko na nakakuha ng mahigit isang libong reads sa loob lamang ng tatlong buwan, kaya gagawa...