Sana
-----•O•-----Sana'y 'di nauubos,
Kahit ginagastos.
Sana'y bumabalik,
Ating tinatangkilik.
Gubat na mayaman,
Ay mapanumbalik.Sana ay ito pa rin,
At hindi pa kupasin.
Matingkad na kulay,
H'wag malusaw.
Ganda ng kagubatan
Muli'y maranasan.Sana mangyari muli,
Nakaraan ay ibalik.
Ang dakilang gubat,
Ay mapanumbalik!
Sana ang sinasabi,
Ay tiyak na malasap.Sana ay panaginip,
Sana'y hindi totoo.
Sa hiling ay naiinip,
Ramdam ng utak ko.
Itong kasalukuyan,
Sana ay maparam.____________________
-----•O•-----
Sana
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJacksonSalamat sa pagbabasa💕

BINABASA MO ANG
Inang Kalikasan II || Kagubatan
Poetry#completed Bilang regalo ko sa aking sarili mula sa tagumpay na nakamit ng unang aklat ang, "Inang Kalikasan" na agad ngang tinangkilik siyang kauna-unang akda ko na nakakuha ng mahigit isang libong reads sa loob lamang ng tatlong buwan, kaya gagawa...