10' Tanging Hiling

73 1 0
                                    

Tanging Hiling
-----•O•-----

Pakiusap nawa ay dinggin,
Tuparin ang natatangi niyang hiling.

Putol na puno, ang kanyang hinaing,
Kahit papaano tayo ay magsitanim.

Sa nakakalbo niyang kabundukan,
At napakapangit nang tingnan.

Humayo nga tayo at ating suklian,
Sa lahat ng bagay sa'ting pakinabang.

Tanging hiling, marinig, mapansin,
Mensahe sa lahat upang ating gawin.

Alagaan ang gubat, 'di upang kaingin,
Magtanim bawat punong puputulin.

Mga ibon sa kakahuyan, h'wag barilin,
Ang maiilap na hayop ay nauubos din.

Mababangis na hayop h'wag papatayin,
Baka manganib ka, mundo ay lisanin.

Pakiusap ating tup'din kanyang hiling,
Salita ng gubat, intindihin, siyasatin.

____________________

-----•O•-----

Tanging Hiling
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJackson

Salamat sa pagbabasa💕

Inang Kalikasan II || KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon