Paraisong Pumanaw
-----•O•-----Dati ay kay sagana pa ng gubat,
Masigla at masaya hayop na maiilap.
Puno't mga halaman ay nakamamangha,
Ang luntiang dahon at mayabong.Noon ay sagana pa ang kagubatan,
Sa mga bungang mapakikinabangan.
Ligaw na hayop makikita sa parang,
Malulusog at lubhang mainam.Panahong sumulong sa pag-usad,
Magandang paligid ay naglaho nalang.
Putol na puno gubat masisilayan,
Umuusok pa'ng dawag sa kagubatan.Ngayo'y wala na, nalimot na ang dati.
Ganda ng kalikasa'y 'di na mapanag-uli.
Paraisong katulad, ngayon ay wala na,
Hindi na makita, wala ng pag-asa.Paraiso sa lupa ay tuluyan ng pumanaw,
Paano na, kailan pa kayang lilitaw?
Ngayon sa lungod, puno'y ornamento,
Sa pampublikong lugar, madalang pa ito.Ngayon ay atin ng masasapantaha,
Nang 'di maganda magbubunga ng masama.
Ang sa ati'y paraiso ay nawalang bigla,
Na hanggang ngayo'y nasa isip na t'wina.
____________________-----•O•-----
Paraisong Pumanaw
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJacksonSalamat sa pagbabasa💕
BINABASA MO ANG
Inang Kalikasan II || Kagubatan
Poetry#completed Bilang regalo ko sa aking sarili mula sa tagumpay na nakamit ng unang aklat ang, "Inang Kalikasan" na agad ngang tinangkilik siyang kauna-unang akda ko na nakakuha ng mahigit isang libong reads sa loob lamang ng tatlong buwan, kaya gagawa...