Mga Huling Salita

28 1 0
                                    

Inang Kalikasan
~Mga Huling Salita~
-----•O•-----

Ang araw ay hindi na maibabalik pa, ang nakaraan ay sa kasaysayan na lamang mababalikan. Ang ganda ng kalikasan ay noon lang nasilayan, at gawa ng tao kung bakit naglahong ganon nalang. Ang pagsibol ng bagong bukas na sinusundan ng dilim, sadyang mahirap at masakit sa paningin. Ang mga nagkalat na basura'y kung saan-saan makikita, ang kalbong kabundukan, ngayon ay patag na. Maunlad, porket puno ng imprastraktura? Subalit hindi ito maitutulad kung marami pa rin ang nasa ibaba. Naghihirap ang bayan, laging nasa itaas ang mayaman, at habang hustisya ay may pinapanigan, hindi lahat manginginabang.

Ngayon hindi na maiuurong ang nasimulan, sa nakalipas na oras, marami na ang nailimbag sa kasaysayan. Na ating tinatamasa ang bunga ng itinanim, ating aanihin, ikakabuti't ikasasama rin. Lahat ay walang takas, sa palo ng inang kalikasan. Bagyong mabagsik at malalakas, na nag-iiwan ng masakit na bakas. Alingaw-ngaw ng pagtangis, kasabay ng kapighatian, ito ang malimit maranasan, walang ibibilang.

Pagguho ng lupa sa tindi ng ulan, bahang rumaragasa, nilalamon ang madaanan. Mistulang katapusan, mga bahay ay natapunan, 'di matagpuang mamamayan, nalibing nang 'di nalalaman. Masakit na maaalala ang bakas ng kahapon, hindi naman ito ang nais ng Panginoon, sapagka't mahal Niya tayo, tayong lahat sa mundo, ngunit lakad natin ang sinusunod kaya humahantong sa ganito.

Ang alon sa karagatan, nangangalit, nakakatakot. Sinlaki ng malalaking gusali isang sumpa kung sasapit. Kidlat na nakasusunog sa paningin gumuhit, sa dagundong ng kulog, katawan ay manginginig. Sa tindi ng init ng sikat ng araw, sumusunog sa gubat, nagpupulbos ng may buhay. Walang kawala, kaaba-aba ang sinuman, ikaw, ako, tayo, lahat mapaparam.

Ngayon naising makapagsimula, o sangkatauhan gawin ang nararapat. Bigyang-pansin naman ang bagay sa hinaharap, upang hindi pagsisihan ng lubos ang mga magaganap. Sa simpleng paggamit ng likas na yaman, kasakima'y iwan, lakad ay ituwid mula sa gawang kamalian.

Dinamita'y huwag nang gawin, sa pangingisda ay iwasan. Upang mga tanggapa'y hindi masira at pumisan. Maliit na isda hindi nga mapipinsala, sa lambat na na sobrang liit, 'di dapat ginaganit. Sa gubat ay mahputol, ngunit huwag nang wagas, palitan ng panibago ang nababawas. Bawat basura'y ilagay sa nararapat, h'wag nang ikalat, ito'y hindi dapat.

Matuto na ang lahat sa mga lumipas na panahon, kunin at baunin ang aral na mapupulot. Tayo ang makikinabang kung ito'y itutulot, maging mapagmasid, gawin mo ng pilit.

Huling salita na sana ay tumimo, pumasok sa isipan, sa gawa ay puso. Maging kontento sa bagay na natatamo, huwag padalos-dalos, pag-isipan ng maikatlo. Paalam na, sana naman ay naintindihan, ang ating kalikasan ay mayroong katapusan. Hindi mananatili, yamang 'di mapapalitan, kaya tayo'y kumilos, habang may oras ay agapan.

Inang Kalikasan
Mga Huling Salita

Inang Kalikasan II || KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon