Itigil na Natin
-----•O•-----Hindi na mababago
Mula ng masimulan ng tao,
Ang putulin ang puno
Upang gawing troso.
Isang gawain sa mundo.Ang malalagong kahoy
Makikitang lugmok sa lupa,
Kanina lang ay nakatayo
Ngayo'y nakatihaya,
Ito bang nakatadhana?Sinusunog ang kakahuyan,
Kinakalbo'ng kagubatan.
Ito ang kinahantungan
Ng ating pangangailangan.
Lunas sa kahirapan?Dating bundok, ngayon
Ay isa ng lungsod.
Gusali na iyong titingalain,
Bunga ng pagsulong?
Ganito ba dapat tumugon?Tama na, itigil na natin.
Umiiyak na ang mga kahoy
Sa sakit na tinatamasa,
Hangin ay maalikabot na
Ay iyon na ang napapala.Kahibangan na ang lahat,
Pag-unlad bang masasabi?
Hindi basehan ang gusali
Pamumuhay ng tao sa tabi,
Kung maayos, ang ikabubuti.Itigil na ang mga gawang
Sa ati'y babalik bilang parusa.
Pagkakalbo ng gubat
Init ng araw ay malalasap,
At magrereklamo ng gayon.Itigil na natin, mg paggawa
Kung nakasisira, ito'ng mapapala.
Habang may bukas pa,
Atin namang pagnilayan
Kung masama, itigil na kaibigan.
____________________-----•O•-----
Itigil na Natin
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJacksonSalamat sa pagbabasa💕

BINABASA MO ANG
Inang Kalikasan II || Kagubatan
Puisi#completed Bilang regalo ko sa aking sarili mula sa tagumpay na nakamit ng unang aklat ang, "Inang Kalikasan" na agad ngang tinangkilik siyang kauna-unang akda ko na nakakuha ng mahigit isang libong reads sa loob lamang ng tatlong buwan, kaya gagawa...