Liwanag sa Dilim
-----•O•-----Ihakbang natin ang paa pasulong,
Huwag nang hintayin pa ang panahon,
Nang kadiliman ang manaig ng gayon,
Maging liwanag, sa mabuti'y umayon.Isipan ay baguhin, iyong paghandaan,
Darating na bukas isipin mong wagas;
Mata mo'y buksan upang maliwanagan,
Laging isa-puso na lahat ay may wakas.'Di ba napapansin paglaganap ng dilim?
Ang panahon ngayon nakakatakot na rin,
Maunlad na bayan, sagana sa mga bagay,
Sinirang gubat upang magtagumpay.Ngayong hindi na maibabalik ang lahat,
Tayo'y mag-isip ng gawang nararapat.
Maging bukas-isip, tulong sa hinaharap,
Paalabin ang apoy, sa paligid ay ikalat.Simpleng pagtatanim ng puno't halaman,
At malaking tulong, ito'y pakinabang.
Aahon ang panahon na mas nakakatakot,
Maging liwanag sa madilim na pook.____________________
-----•O•-----
Liwanag sa Dilim
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJacksonSalamat sa pagbabasa💕

BINABASA MO ANG
Inang Kalikasan II || Kagubatan
Poetry#completed Bilang regalo ko sa aking sarili mula sa tagumpay na nakamit ng unang aklat ang, "Inang Kalikasan" na agad ngang tinangkilik siyang kauna-unang akda ko na nakakuha ng mahigit isang libong reads sa loob lamang ng tatlong buwan, kaya gagawa...