Parusa
-----•O•-----Tanikalang ipinanggapos sa sarili,
Kalagayan ngayon na ating pinili.
Lugar na pinuntahan
Ngayo'y pawang pinagsisisihan.Dagok sa buhay, nanlulupaypay.
Sa nakapapasong sinag ng araw,
Mahapdi ma't ito'y ayaw,
Paanong matakasan, ito'y aapaw.Isang delubyo, tunay na mabagsik.
Sa buyo ng hangin, tayo'y paano?
Ito na ang ating inihasik,
Malalasap ng lahat, walang tangi.Bakal na hawla ito ang kapara,
'Di makakawala 'pagka't nandito na.
Sagot sa atin, sa bawat pasya
Noong panahong tayo'y nagpabaya.Tanggapin natin na isang parusa,
Huling panahon ay mararanasan na.
Noong nakaraan, sasapitin ma ngayon,
Aanihin na ang ating inipon
____________________-----•O•-----
Parusa
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJacksonSalamat sa pagbabasa💕
BINABASA MO ANG
Inang Kalikasan II || Kagubatan
Poesía#completed Bilang regalo ko sa aking sarili mula sa tagumpay na nakamit ng unang aklat ang, "Inang Kalikasan" na agad ngang tinangkilik siyang kauna-unang akda ko na nakakuha ng mahigit isang libong reads sa loob lamang ng tatlong buwan, kaya gagawa...