Panaghoy ng Gubat
-----•O•-----Piping saksi sa lahat ng nangyayari,
Siya na biktima ng taong naghahari.
Kinalbo ang kagubatan, makasarili,
Lakad ay wala na yatang mabubuti.
Takbo ng panahon, ubos ang luha.
Makakatayo pa kaya ang mga paa?
Kung lumpo na ang tuhod sa t'wina.
Ay ano pa nga ba ang magagawa?
Pagdaing ng tulong, 'lang makarinig,
Gawa pa rin ng tao ang nananaig.
Sigaw niya'y walang yumaong tinig.
Kaya ang paghikbi'y 'di nga marinig.
Tanging ang panaghoy ng kawawa,
Ng gubat na aba walang makaunawa.
Sa hirap na tumupok sa pag-asa,
Kapalit ng panaghoy na 'di alintana.
____________________-----•O•-----
Panaghoy ng Gubat
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJacksonSalamat sa pagbabasa💕

BINABASA MO ANG
Inang Kalikasan II || Kagubatan
Poetry#completed Bilang regalo ko sa aking sarili mula sa tagumpay na nakamit ng unang aklat ang, "Inang Kalikasan" na agad ngang tinangkilik siyang kauna-unang akda ko na nakakuha ng mahigit isang libong reads sa loob lamang ng tatlong buwan, kaya gagawa...