5' Ang Puno ng Acacia

87 1 0
                                    

Ang Puno ng Acacia
-----•O•-----

At sa gubat napadpad ang mga buto,
Sumibol ang malilit na dahon nito.
Sa lupa'y nag-ugat, dinilig ng ulan.
Sikat ng araw binalot ang kabuoan.

Lumaki, yumabong, ganap ng puno.
Namulaklak, nagbunga, tumanda.
Ibon sa mga sanga, umaawit sa saya,
Isang tahanan sa masasabi mo.

Nalagas ang dahon, putol na sanga.
Acacia sa gubat , mayabong, maganda.
Hanggang sa umabot ang sukdulan,
Kasamang nakalbo ang kagubatan.

Troso at panggatong na siya ngayon,
Dating pugaran, tuntungan ng ibon.
Kay bilis ng nakatakdang panahon.
'Sang dangkal ang layog sa lupa ngayon.

Wala na ang kanyang kaitaasan,
Sangang tuntungan 'di na masisilayan.
Kawawang ibon nawalan ng tahanan,
Pinasimulan ng masamang kaisipan.
____________________

-----•O•-----

Ang Puno ng Acacia
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJackson

Salamat sa pagbabasa💕

Inang Kalikasan II || KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon