25' Huling Sandali

30 1 0
                                    

Huling Sandali
-----•O•-----

Malalagutan na ba
ng hininga?
Ang kagubatan ay
naghihingalo na.
Sana naman sa
huling sandali,
Igawad ang dapat
niyang makamit.

Ang mundo ay
matanda na,
Hindi magtatagal
wakas ay makikita.
Ngayon pa lamang
ating nalalasap,
Ang pait ng lasa
nh ating tinimpla.

Nasaan ang pangako,
ito ba'y napako?
Bakit ngayon ito
ang araw ng mundo?
Ramdam ng iba
ng lalong mahirap,
Sa mga sakuna
magdaranas lahat.

Bago man lamunin
ng kadiliman,
Isulong ang lakad
doon sa paroroonan.
Ikaw ay magtiis
kahit nakapanyapak,
Basta't ang huling
sandali ay matiyak.

Bumuntung-hininga
kapag tapos na,
Damhin ang pag-asa
lagot na tanikala.
Sulitin ang sandali
oras ng pag-asa,
At ikaw'y manatili
ang paa'y itindig pa.
____________________

-----•O•-----

Huling Sandali
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJackson

Salamat sa pagbabasa💕

Inang Kalikasan II || KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon