13' Ang Kaingin

43 1 0
                                    

Ang Kaingin
-----•O•-----

Tinutupok ng apoy ang kabundukan,
Sinusunog na gubat, kaingin ang ngalan.
Sa gumagawa walang pakundangan,
Kawawang mga hayop sa sirang tahanan.

Binalot ng usok, sa tuktok ng bundok.
Sa pangangailangan, ito ba ang sagot?
Kinakalbo lahat, madawag walang takas.
Sa mga hayop, walang makaligtas.

Dalisdis ay kawawa, naglahong bula,
Ang matarik na bahagi, anong mapapala?
Nililinis ang lugar na hindi naman dapat,
Kundi sinisira ito ang iginagawad.

Mapapatay ang sunog, usok ang susunod,
Ito'y hindi lamang makapagbigay lugod.
Tuldukan na ang makalumang gawain,
Gaya ng pagpuputol, sa gubat pagkaingin.

____________________

-----•O•-----

Ang Kaingin
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJackson

Salamat sa pagbabasa💕

Inang Kalikasan II || KagubatanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon