Atin ang Kinabukasan
-----•O•-----Sa'tin ang pasya
Paligid ay gaganda,
Tapat na tagapag-alaga
Tiyak may mapapala.
Mahalaga'ng hinaharap,
Paano makukuha?
Ngayon pang tila
Huli na ang lahat?Ating responsibilidad
Ay alalahanin,
Sa ating kamay
Maluwag iyong gawin.
Bukas ay tatakas
Kung 'di gagawin,
Ang lunas sa bukas
Ating pakaisipin.Bagong henerasyon
Ang makalalasap,
Sa ating mga gawa
Sila ang tatanggap.
Kaya ngayon palang
Pasya mo ang dapat.
Sa ating kilos,
Uusbong ang lahat.Ating pagpilian
Magkaibang desisyon,
Ito'y kabutihan
O gawang kamalian,
Ikaw ay tumugon
Ng may katalinuhan,
Ikaw ay yumaon
Sa daang lalakaran.Salubungin ang araw
Ikaw ay sumigaw,
Batiin ang sarili
Kung napagdidili-dili,
Nagawa mong mabuti
Nasa iyong labi,
Sa mundo ay papanaw
Sa'yo'y may dadalaw.Magdiwang ang puso,
Itanyag sa isipan.
'Pagka't iyong natapos
Ang dapat na lakaran.
Ikaw na nag-ingat
Ng gawang kabutihan,
Nag-isip ng masikap
Sa'ting kinabukasan.____________________
-----•O•-----
Atin ang Kinabukasan
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJacksonSalamat sa pagbabasa💕
BINABASA MO ANG
Inang Kalikasan II || Kagubatan
Thơ ca#completed Bilang regalo ko sa aking sarili mula sa tagumpay na nakamit ng unang aklat ang, "Inang Kalikasan" na agad ngang tinangkilik siyang kauna-unang akda ko na nakakuha ng mahigit isang libong reads sa loob lamang ng tatlong buwan, kaya gagawa...