Papel, ang Kanyang Papel
-----•O•-----Papel; saan ka nga ba nagmula?
Hindi ba't sa gubat, sa kahoy ginawa?
Tama, produkto ng isipan;
At ang kagubatan ang kailangan.Kahoy na dumaraan sa makina,
Makinis na papel kapag lumabas na.
Maraming gamit hindi na mabilang,
Kung para saan, iyo nang nalalaman.Sa pagsasayang nga nang husto,
Puno sa kagubatan ang sinasayang mo.
Pinuputol na libong troso ang gamit dito,
Para lamang ito ay mabuo.Papel, ang kanyang papel,
Kapirasong talaan bagay na mahalaga.
Sa bahay, paaralan, kompanya't opisina.
Papel na gamit sa iba't ibang lebel.Anong ibig kong ipahiwatig?
Papel, ito'y kung ano bang kanyang papel?
Maaari, siyang gubat at kanyang papel,
Dapat mapagbulayan ng ating pag-iisip.Mauupos at makakalbo ang bundok,
Anumang produkto masama'ng dulot.
Mamaya'y maghihingalo ang gubat,
Dadaing, mamamalimos ng pakiusap.____________________
-----•O•-----
Papel, ang Kanyang Papel
Inang Kalikasan II
-JackBlaireJacksonSalamat sa pagbabasa💕
BINABASA MO ANG
Inang Kalikasan II || Kagubatan
Şiir#completed Bilang regalo ko sa aking sarili mula sa tagumpay na nakamit ng unang aklat ang, "Inang Kalikasan" na agad ngang tinangkilik siyang kauna-unang akda ko na nakakuha ng mahigit isang libong reads sa loob lamang ng tatlong buwan, kaya gagawa...